CHAPTER 31

48K 1.4K 142
                                        

RED's POV

❦❦❦

Nilampaso ko ang sahig at nagpunas-punas ng cabinet.

"Nagayat mo na 'yung ibang gulay?" Tanong ko kay Nana na busy sa paggagayat ng gulay para sa handa ni Runo mamaya.

"Yep tapos na, anong sunod?," sabi niya at lumapit sa'kin.

"Pwede pakibili ako ng pang macaroni na shell, ano ba tawag doon?" nag-isip siya at nagbikit balikat.

"Basta 'yung pang macaroni hahah, shell nga ata tawag don 'di ko alam," sabi niya saka kinuha 'yung bag niya at nagpunas ng lotion? O sun block?

"Ano 'yan? Amoy rosas?" Tanong ko sa kaniya kaya bigla siyang na taranta.

"Ah eh haha, wala wala sun screen lang." tumango ako at bumalik na sa paglilinis.

"Takot ka umitim?" Lumingon siya bago lumabas ng pinto dala-dala ang payong.

"Ahh, mabilis kasi ako magkaroon ng sun brun," sabi niya saka ngumiti sakin at lumabas na.

Actually ang weird niya, hindi lang siya pati ang tao sa school. Gano ba sila kagalit sa araw at pati schedule namin pang gabi? Tapos makulimlim naman kaunti bakit kailangan niya pa mga sun screen at payong kung malapit lang naman ang convenient store?

Ano ba sila mga bampira? Haha o aswang? Night freak eh?

Tumayo ako at inayos na ang mga gamit na pinunasan ko,
"hay, salamat na katapos din." nag-unat unat ako at pumunta sa kusina.

Muli kong na isip 'yung reaction ni Nana kanina, nung sinabi kong lagi akong nahihiwa inagaw niya na agad 'yung kutsilyo at siya na ang nag gayat ng mga gulay at iba pang sangkap.

Ganun ba siya ka concern sa'kin?
Ah teka bakit ko na iisip 'yun, baka takot lang siya makakita ng dugo, ah tama tama.

Naghugas na ko ng kamay at nagsimula magluto, maya-maya darating na si Runo dito kailangan maiayos na namin agad 'to.

"Dito na ko." bumukas ang pinto at niluwa ninto si Nana, pinagpag niya ang sandals niya kaso bigla siyang na dulas.

"Awww hahaha," na gulat ako sa nangyari sa kaniya at hindi agad siya na tulungan pero patayo pa lang siya na dulas na naman siya.

"Pffft, anong ginagawa mo?" Na tanong ko na lang at tumawa siya sabay ayos ng salamin niya sa mata.

"Hahaha spilt? Hahaha 'di ko alam," sabi niya at tumayo ng dahan-dahan at lumapit sa'kin para tumulong.

"Haha, ayos ka lang?" nagkamot siya ng ulo at tumawa.

"Yap, sanay na ko lagi akong na dadapa o na dudulas eh." bumalik agad siya sa pag aayos ng lulutuin at hindi man lang ininda 'yung pagkadulas niya.

"Alam mo para kang si Runo, ang clumsy niyo pero mukhang mas clumsy ka haha,"ngumiti lang siya sa'kin na parang na hihiya.

"Haha sorry, saka mukhang malayo masyadong mabait si Kaelynn maganda pa," sabi niya at inayos na naman ang salamin niya sa pwesto.

Napatitig ako sa kaniya, ba't ko nga ba siya pinayagan na sumama samin ngayon? Ang alam ko gusto ko kami lang ni Runo ang magse-celebrate ng birthday niya eh. Pero nung sinabi ni Runo na sasama siya hindi ako kumontra at isa pa siya ang pangalawang babae na kinakausap ko nang maayos.

"Alam mo si Runo lang ang kinakausap kong babae dati, 'yung matinong usapan ah," napalingon siya sa'kin at parang curious maigi sa past namin ni Runo.

"Oh yieee," pang-aasar niya kaya na mula ako.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon