KAELYNN's POV
❦❦❦
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko ngayon, oo alam kong kakaiba na 'yung idea na mga bampira sila pero hindi ko alam na aabot ito hanggang dito.
Akala ko mythical creatures lang sila pero totoo pala, akala ko mababait sila pero ang katotohanan ay malayo pa. Nakapatay na sila at hindi lang isa, sobrang dami na.
Nagsimula pa ito kailan? Nung andito pa ang papa nila? Teka ilang taon na ba talaga sila? Baka marami pa kong hindi na lalaman sa kanila kaya kailangan ko pang magpakatatag.
Ngayon na alam ko na ang totoo mas hinahamon pa nito ang pasensya ko, ang tapang ko at ang pagtitiwala kong makakaya ko ito,
Si Sir Darenn, alam kong hindi pa huli para sa batang iyon wala pa siyang na sasaktan at kalahating tao naman siya kaya makakayanan n'yang mabuhay ng normal.
Ayokong madumihan ang kamay niya katulad ng nagawa na ng mga kuya niya, pero hindi ko rin masisisi sila Sir Daryl kung na gawa nila iyon.
Kailangan nila ng dugo namin para mabuhay, pero kasi ang akin lang bakit hindi pa nila nililibing ang mga pinatay na nila.
'Yung babae kanina, siya 'yung babaeng may mabaha at itim na itim na buhok na inaya kong kumain pero hindi niya ko sinagot, kaya pala wala silang imik at ang mga mata nila ay wala ng buhay.
Si Danrious ang nagko-control sa katawan nila, kailangan ko siyang kausapin para dito.
Pero hindi ko talaga matanggal sa isip ko 'yung nakita ko, 'yung braso, balikat at pababang parte pa ng katawan niya ay kulay violet na, parang sobrang tagal na n'yang patay pero hindi siya ganoon na nabubulok?
Ganun din ba ang mangyayari sa'kin pagpinatay nila ako? Habang buhay na lang ba kong makukulong sa mansion na ito at gagawin nilang utusan? Alaga at preso nila?
*tok tok*
Hindi ako umimik at inintay na lang siyang pumasok.
"Kaelynn okay ka na?" Hindi ako sumagot at naramdaman ko na lang na umupo siya sa likuran ko.
Magkatalikuran kaming dalawa na nakaupo sa parehong dulo ng kama.
"Alam kong sobrang hirap pa para sayo pero nagpapasalamat pa rin ako na hindi mo kami iniwan." sobrang dami ring problema na meron sila, isa na doon ay ang pamumuhay na kakaiba at nagtatago sa dilim.
"Salamat at iniintindi mo kami." parang dinudurog ang puso ko sa pagpapasalamat niya, masakit kasi alam kong wala na kong takas dito at ibibigay ko na ang buhay ko para sa kanila pero masaya rin ako kahit papaano dahil nagpapasalamat sila na andito ako.
"Alam mo ba 'yung babaeng iyon kanina, siya 'yung unang minahal ko." napalingon ako sa kaniya. Nakayuko lang siya at nakatalikod sa'kin bahang nagsasalita.
"Sabi niya samin tanggap niya daw kung sino kami kaya sobrang saya namin kasi for the first time may tumanggap kung ano kami." naririnig ko ang panginginig ng boses niya at umuubo siya para pigilan iyon.
"Pero alam mo niloko niya ko, niloko niya kami." patuloy siyang nagkukwento at ramdam ko ang lungkot niya ngayon.
"Nangyari iyon ng isang gabi, kinatok siya ni Rious para utusan siya pero pinagkamalan niya na ako si Rious at inaya niya ang kakambal ko na makipagsiping sa kaniya." Nagulat ako hindi ko alam kung anong ire-react ko.
"Tumanggi si Rious at sinabing hindi siya ako pero alam mo ba kung anong sinabi niya sa kakambal ko?" Nakita ko ang pagyukom ng kamay niya.
"Payag ako kahit sino pa sa inyo dahil kambal kayo." napayuko ako at walang salitang mahila palabas ng bibig ko, tumawa siya nang mapait.
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampire[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...
