KAELYNN's POV
❦❦❦
Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na si mama ngayon, tinutulungan niya kami magluto at mag-ayos ng bahay.
Bumili kami ng kutsyon at cabinet na lalagyanan ng mga damit, sa apartment na ito dalawa ang kwarto, isang CR, maliit na sala at kusina, may beranda rin na sampayan ng mga damit at labahan.
Kung susukatin mo siya parang kwarto lang ni Danrious lahat-lahat hahaha.
Ang cute lang hindi kami mawawala dito."Kamusta ka naman anak, hindi ba masakit ang katawan mo?" Umiling ako.
"Minsan po parang ang bigat ng pakiramdam pero okay naman po," Tumingin siya sa tyan ko.
"Ilang araw na ba 'yan?" Sa tutuosin dalawang linggo na ito pero ang bilis lumaki at mahahalata mo na agad sa damit ko.
"Dalawang linggo po." tumango siya.
"Nak pag may kailangan ka sabihin mo lang kay mama ah," tumango ako at ngumiti saka yakap sa kaniya na kinagulat niya.
"I love you po." humarap siya sa'kin at bigla rin ako niyakap ng mahigpit saka kinoskos ang pisngi ko sa pisngi niya.
"Waaah, ang cute naman ng Runo ko, I love you too nak. Ang sweet-sweet mo," ahahaha para nga siyang si Daniel.
"Hahaha, sweet ka rin naman ma eh." ngumiti siya sa'kin.
"Syempre naman na miss ko ang panganay ko eh, haha na kuha mo ang mata mo sa papa mo," sabi niya sa'kin at bumalik sa pagluluto.
Na-curious naman ako tungkol kay papa.
"Ano po bang itsura ni papa?" Ngumisi siya nang nakakaloko."Syempre pogi," at natawa ako.
"Nga naman hahaha,"at muli siyang tumingin sa'kin.
"Siya ang pinaka pogi sa lugar namin noon, ewan ko na lang ngayon hahaha, nagkakilala kami sa farm kasi bukid pa ang daan noon papuntang school. Magbubukid siya high school student ako noon." nagkukwento na siya ng dare-daretsyo at na tatawa na lang ako.
"Tapos napadaan ako sa bukid nila at lumubog ang sapatos ko sa putik, syempre nagdrama ang mama mo at na pansin naman ng papa mo, doon na nagsimula ang love story namin ng papa mo." kinikilig siya habang kinukwento iyon nang biglang sumingit si Danrious.
"So tita sa putik nagsimula ang love story niyo?" Sinamaan siya ng tingin ni Mama.
"Oo bakit? Eh kayo?" Pinanglakihan niya kami ng mata at umakyat na ang dugo ko sa buong mukha dahilan para mamula ito.
Kung alam niya lang ang dahilan ng love story namin nitong si Danrious baka maloka siya.
"Tita ganito iyon nun--" hinila ko si Danrious at tinakpan ang bibig niya.
"Bakit nahihiya ka ikwento kay mama Runo?" napangiwi ako at nagkamot ng ulo.
"Aha-ha-ha kasi ma, nakakahiya hindi ba Danrious," saka ko siniko ang tyan niya kaya sumama ang tingin niya sa'kin.
"Ah haha, opo tita nahiya ako bigla." palusot niya kaya na tawa si mama.
"Bakit Danrious ang tawag mo sa kaniya? Pwede naman Rious lang Runo?" Bakit nga ba? Sabagay hirap na hirap na kong tawagin siya sa mahabang pangalan na iyon.
"Hindi ko rin po alam, sige Dandan na lang," sabi ko sa kaniya at umiwas na naman siya ng tingin.
"O-okay," sabi niya samin.
"Bakit Dandan pwede namang daddy or dhie?" Umiling ako, masyadong nakakahiya iyon hindi ako sanay!
"Ahahaha next time na lang ma," sabi ko at tumawa lang siya.
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampir[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...