NANA's POV
❦❦❦
Inikot ko ang paningin ko sa buong room pero wala na naman siya dito, napabuntong hininga na lang ako at napabulong sa sarili ko.
"Hay, kawawang Red." nakakaawa talaga si Red at na wala na 'yung love team na pinaka kinakikiligan ko.
Hindi lang 'yun, na wala rin 'yung unang kaibigan na meron ako sa school na 'to, bakit ganoon ang bilis umalis ni Kaelynn? Hindi man lang namin na enjoy ang college life katulad ng mga na papanood at na babasa kong novels.
Siya 'yung nagbigay ng pag-asa sa'kin, pag-asa na hindi ako nag-iisa na kaya kong makihalubilo sa tao. Binigyan niya ko ng tiwala sa sarili ko para hindi mahiya at wag pigilan ang gustong sabihin ng puso ko sa iba.
Kaya sobrang na lungkot din ako nang malamang hindi na siya makakapasok pa, buti na lang okay daw siya sabi niya sa sulat niya pero fifty-fifty ako sa sulat na 'yun. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko.
"Hay—" muling pagbuntong hininga ko at binuhat lahat ng libro ko at sinukbit 'yung bag ni Red sa balikat ko at sinuot 'yung body bag ko.
Sure ako na sa roof top na naman siya, simula nang matapos 'yung birth day ni Kaelynn nagkaganiyan na siya, parang laging seryoso at ang lalim ng iniisip.
Hirap na hirap akong umakyat sa hagdan at binuksan 'yung pinto, na kita ko siyang nakaupo malapit sa railings at ang layo ng tingin.
Ito ang tinawag nilang love sick! Pwede ko siyang idagdag sa story na ginagawa ko, na pangisi ako at the same time hirap na hirap akong basahin ang iniisip niya.
"Uy," kinalbit ko siya at tumingin siya sa'kin na parang walang gana, binigay ko 'yung bag niya at nag thank you siya sa'kin.
"Di pa tayo uuwi?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung saan mag uumpisa. First time kong maranasan ang ganitong scene sa buong buhay ko.
Excited na nga akong bigyan siya ng advice kasi ganito 'yung na sa drama hindi ba? Broken 'yung kaibigan mo then hihingi siya ng advice sayo. Na e-excite lang ako dahil first-time kong gawin 'to, kaso parang ang hirap pala lalo na pagkaibigan mo 'yung na sa sitwasyon.
Maaawa ka talaga sa itsura niya, nililipad 'yung pula niyang buhok kasabay ng malamig na hangin.
"Nana." sinilip ko ang mukha niya at nagtanong.
"Bakit?" Tumingin siya sa'kin at bigla akong kinabahan.
"Bakit kailangan may masasaktan pag dating sa pag-ibig?" Oh my gosh! Ito na ito na 'yung iniintay kong friend to friend advice! Mararanasan ko na siya at dahil doon makakapag-sulat ako ng tungkol sa ganitong scene.
"Ah eh hmm," ay patay wala akong alam, isip tayo ano ba laging sinasabi ng kaibigan ng broken hearted?
"Ah alam ko na!" Nagulat siya sa'kin at ipinaliwanag ko naman 'yung na alala ko.
"Alam mo kasi hindi mo matatawag na love 'yan kung hindi ka masasaktan, kasi ang failure sa love ay isang way para mahanap mo ang perfect match mo!" Gosh! ang galing ko para akong pro sa mga ganitong bagay.
"Ganun? Ilang failure pa ba bago marating 'yun?" Napasimangot ako dahil biglang tinamaan ako ng sakit na nararamdaman niya.
"Sorry hindi ko alam," sabi ko sa kaniya at tinapik-tapik ang balikat niya.
"Siguro madami? siguro unti? Pero ayos lang i-try mo ng i-try hanggat makita mo 'yung the one," sabi ko sa kaniya, galing 'yun sa puso ko payo para sa kaibigan ko at hindi ko na hinugot sa mga nababasa o napapanood ko.
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampire[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...