CHAPTER 53

36.4K 1.2K 114
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Ilang buwan na ang lumipas saming dalawa ni Danrious, medyo nakakapag-isip na ko ng ayos at nahahatak ko na ang sarili ko sa pagbangon sa bangungut na iyon.

Naisip ko, gugustuhin ba ng anak ko na makita kami ng papa niyang nagkakaganito? Sure ako hindi maganda ang kahihinatnan namin kung magpapakain pa kami sa nakaraan.

Sa trahedyang iyon at sa madilim na bangungot na iyon. Tinanggap namin lahat ng kamalian naming dalawa, mga pagsisisi at mga bagay na sana hindi namin ginawa.

Sabay namin na lalagpasan iyon dahil kahit ngayon nasa ala ala ko pa rin si Rain. Kung pano siya na wala saming dalawa ni Dan.

Oo masakit pa rin, hindi naman kasi ganoon kabilis magmove on sa isang bagay na nawala at hindi napa sayo hindi ba? Mahirap magmove on sa masakit na nakaraan lalo na kung sobrang importante sayo ng nawala sayo.

Unang anak namin si Rain, siguro nga bunga siya ng kapusukan ni Dan o pagkakasala na rin naming dalawa pero hindi namin pinagsisisihan na dumating siya samin.

Ang pinagsisisihan namin ay 'yung na wala siya samin.

Pero ngayon unti-unti na kami bumabangon, hindi kami pwedeng malugmok sa nakaraan kaya ito pinipilit namin bumalik sa dati kahit paunti-unti.

Sabi nga nila it takes time to heal, walang sugat na maghihilum agad-agad kaya hahayaan namin ang panahon na lumipas at matanggap ang na wala samin.

"Runo mag-aapply pala ulit ako ng trabaho," sabi niya habang tinutulungan ako maglaba.

"Sige saan ka mag-aapply?" Ngumisi siya sa'kin.

"Sa bar macho dancer." pinaningkitan ko siya ng mata, gusto ko ihampas sa kaniya 'tong tabla.

"Sige lang, maghanap ka na rin ng bago mong bahay ah," sumimangot siya at biglang hinawakan ang kamay ko.

"Joke lang Runo wag kang ganiyan alam ko naman ikaw lang ang buhay ko hindi ba?!" Ang cheesy pero hindi ko feel magpaka-couple kami ngayon eh.

Dami ko kasing iniisip, isang buwan na siyang hindi na pasok at ako rin nagbabalak na maghanap ng trabaho para makatulong sa kaniya.

Ilang linggo rin siyang absent nung nangyari iyon kaya medyo hirap siya humabol sa lesson nila. Mag-eexam pa naman sila tapos ito siya ngayon tinutulungan ako maglaba.

"Pwede bumalik ka na sa sala? Mag-aral ka nga doon malapit na exam niyo!" nagthumbs up siya sa'kin.

"Dont worry sisiw lang 'yon." nagbuntong hininga ako at inanlawan ang mga nilabahan ko.

"Ako na d'yan Runo." inagaw niya 'yung bra ko. Nanlaki ang mata ko at tinulak siya.

"Aaahh, ako na kasi doon kana!!" Mga under wear ko kasi 'tong nasa banlawan, ayokong labahan niya ito no saka nahihiya pa rin ako sa kaniya.

"Anong kinahihiya mo? Ako naman naglalaba nyan nung may benda ka pa sa katawan ah nakita ko nga 'yung polkadots d'yan eh," hinampas ko siya nang malakas.

"Nahiya naman ako sa boxer mong animal print!" Namula siya at binanlawan 'yung mga under wear niya na nasa batya.

"Ah ako na nga dito!" sabi niya at kaniya-kaniya kaming nagbanlaw ng mga under wear namin.

Ganiyan kaming dalawa, hanggang ngayon hindi kami makapagadjust sa sitwasyon namin. Oo magkatabi kami matulog nung buntis ako dahil iyon ang gusto ng katawan ko lagi ko hinahanap ang amoy niya pero asar na asar ako sa mukha niya noon.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon