EPILOGUE
❦❦❦
Runo Kaelynn Alberona— pumasok ako sa isang mansion bilang katulog sa apat na magkakapatid na Lockhart.
Hindi ko alam ang tunay na meron sa bahay na iyon at habang tumatagal na uungkat ko bawat sekreto na mayroon ang mansion na iyon. Hanggang sa pati puso ko na dala na ng misteryong 'yon, minahal ko ang isa sa magkakapatid na si Danrious isang bampira at sa katunayan isa na rin ako sa kanila.
Ganoon pa man masaya ako at hindi nagsisisi sa mga ginawa ko, nakatakas kami sa impyernong mayroon ang mansion na iyon pero nakatakas nga ba?
Siguro may kadena pa rin na nakakabit sa mga paa ko dulot ng pagpasok sa kulungan na iyon. Pero hindi ko na iniisip iyon ngayon dahil tanggap ko ang nakuha ko sa pagpasok sa kulungan na iyon. Kung hindi nila ako naging alaga, laruan o katulong sa mansion, hindi ko rin makikilala ang taong pinakamahalaga sa'kin.
At hindi rin ako magkakaroon ng mga anak na nagbibigay ng saya at pag-mamahal sa'kin ngayon.
"Ano ipapangalan na'tin Runo? Dali ah, ang cute-cute naman ng mga anak ko," sabi ni Dan habang nagniningning ang mata at nilalaro ang mga anak niya.
"Ikaw muna mag-isip pagod pa ko." wala akong lakas pero hindi ko rin naman magawang matulog dahil excited din ako sa mga anak ko.
Kambal silang babae at lalaki, hindi pa kami nag-iisip ng pangalan dahil natatakot kaming sa sobrang excited namin ay mawala sila samin katulad ni Rain Dillan.
"Ah dapat pareho hindi ba? Kung Lucky kaya sa babae at Karma naman sa lalaki?" Binatukan ko siya.
"Sira na ba toktok mo? Ayoko nga saka tunog lalaki 'yung lucky!" nag-isip siya.
"Edi tanggalin na'tin 'yung K para lucy." pinaningkitan ko siya ng mata.
"Lucy? Ayoko gusto ko may R or D," Tumawa siya at tuwang tuwa sa mga anak niya na parang hindi ako iniintindi kaya hindi ko na siya pinansin at nag-isip na lang.
"Kung Red at blue kaya?" Sumama ang mukha niya.
"Subukan mo lang ipangalan sa anak na'tin 'yang Red ipapapatay ko 'yang si Red Acosta." nanlaki ang mata ko dahil galit talaga siya kaya nag-isip na lang ako.
Pero gusto ko talaga Red at blue eh.
Biglang bumukas ang pinto at kumaripas ng takbo si Darenn sa'kin at sa kambal.
"Hala ate totoo nga kambal sila!" pinat ko ang ulo niya.
"Oo Darenn, Sorry ah kinawawa kita ng tatlong buwan," umiling siya at hinalikan ang noo ko.
"Ayos lang po." siya kasi ang pinaglilihihan ko noon kaya iyan kamukhang kamukha niya 'yung kambal sabi ni mama.
"Tsk! dapat ako pinaglihihan mo eh," hinampas ko siya.
"Ayoko nga tama na 'yang dalawa na kayo ni Daniel sa mukha na iyan wag mong idamay ang mga anak mo sa isinumpang mukha na 'yan!" Sumimangot siya at tumingin sa mga anak niya.
"Wag niyong gagayahin ang mama niyo ha, waaah ang cute!" napangiti na lang ako dahil tuwang tuwa siya sa mga anak niya.
"Ate anong pangalan nila?" tanong ni Darenn at pumasok na sila mama, Daniel at ang iba pa.
"Wah! mga pamangkin ko!" Nakakabinging bungad ni Daniel sa'min, ah bigla akong na stress.
"So they really are twin, anong name?" Tanong ni kuya Daryl at umiling ako.
"Wala pa kaming na iisip eh, gusto ko sana Red at Blue kaso ayaw ni Dan," sumimangot ako at ganoon din si Dan sa'kin.
"Then make it Aoi and Akane," sabi ni kuya Daryl at sumingit si mama.
"Tama Red and Blue iyon sa japanese pareho lang ng ginawa ko sa pangalan mo Runo, then dagdagan niyo na lang." nagkatinginan kami ni Dan at bigla niyang tinuro 'yung anak niyang babae.
"Siya si Akane Deian" so gusto niya D 'yung sa kaniya inirapan ko siya.
"Edi siya si Aoi Rious!" Sabi ko at napatingin siya sa'kin.
"Bakit Rious? Kala ko ba nagaagawan tayo sa pangalan?" Binatukan ko siya parang timang talaga 'tong lalaki na ito.
"Oo na, panalo kana basta Rious 'yung kay Aoi okay? Kay Akane na 'yung Deain" tumango-tango siya na parang bata at masayang nilaro ang anak niya.
Ganun din silang lahat at winelcome ang kambal sa mundong ito.
FIN
©All rights reserved
March 25 - May 31, 2016
ANNOUNCEMENT ->
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampiro[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...