KAELYNN's POV
❦❦❦
Nakatitig ako sa likod niya na mabilis na lumayo sa'kin papunta sa ama niya, halos madurog ang puso ko sa pagbitaw niya sa kamay ko nang bigla—
*blag*
"Sinong tinakot mo! Sige pahirapan mo ko kakayanin ko pero hinding hindi ako babalik sa puder mo!" Sinuntok niya si Sir Danilo sa mukha na kinagulat naming dalawa, hinawakan niya ang pisngi niya at biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Okay it's a deal, thats your choice then go on. Tandaan mo ito Danrious huling chance mo na 'to." naglakad siya palabas ng bahay at hingal na hingal si Danrious na nakatayo pa rin doon.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, mga kamay na akala ko binitawan na ko kanina iyon pala ay para protektahan ako.
Medyo na luha ako at niyakap ko siya. Galit na galit pa rin siya at pulang pula ang mga mata niya.
Tumingin ako sa kaniya at hindi pa rin siya humihinahon.
"That bullsh*t, why he even bother to go here? Ano gusto niya ipamukha sa'kin? Tsk! hindi niya ko mabibili ng yaman niya lalong lalo nang hindi niya ko matatakot." hinawakan ko ang mukha niya at tinapat ang noo ko sa noo niya kaya na bigla siya at tumigil sa pagmumura."Ayos na ang lahat, wala na siya." pumikit siya at huminga nang malalim, na ramdaman ko 'yung kamay niya na umikot sa bewang ko at mahigpit akong hinagkan.
"Pasensiya na Runo." umiling ako.
"Ayos lang, wag ka lang magmura nang magmura tatay mo pa rin 'yon." nagbuntong hininga siya.
"Ba't ba kasi siya pa ang naging tatay ko?" napatawa na lang ako at pinat ang ulo niya.
"Wag mo nga kong gawing bata," inis niyang sabi at bigla niyang nilihis ang t-shirt na suot ko.
"Oy!" Hindi na ko na kapagreklamo pa nang bigla niyang kagatin ang balikat ko. Dahan-dahan naman ito at hindi marahas.
Hindi na ko pumalag pa dahil kung iisipin ilang buwan na rin siyang hindi na kakainum ng tunay na dugo, puro blood drugs ang iniinum niya at wala ng iba.
Naramdaman kong bubunutin niya na ang pangil niya sa pagkabaon nito sa balikat ko kaya pinigil ko siya at hinagkan ang ulo niya pasubsob sa balikat ko.
"Sige lang ayos lang ako," sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa'kin saka ko siya nginitian at tinuloy niya na ang pag-inum sa dugo ko.
Medyo nang hina ako at na hilo dahil sa naparami nga ang inum niya pero ayos lang.
Nakampante ako ng kumampante na siya, salamat naman at hindi ako pinagpalit ni Dandan sa yaman ng papa niya kundi hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Napangiti na lang ako habang tinititigan siya magligpit ng plato at maglinis ng kusina.
Siya ba talaga ang Danrious na nakilala ko?
"Ngiti-ngiti mo d'yan?" Iritadong niyang tanong sa'kin at natawa na lang ako.
Sumalumbaba ako sa mesa habang pinagmamasdan siya, bakit kaya ayaw ni Sir Danilo sa'kin? Kung sabagay mataas ang pangarap niya para sa mga anak niya. Gusto niya maging professional ang mga ito at tumulad sa yapak niya.
Maging isang milyonaryo at tinitingalang bampira, siguro isang kahihiyan sa kaniya ang nangyari kay Danrious. Sumama siya sa mortal at ngayon nagpa-part time job sa kung saan para lang mabuhay.
Isang pure blood vampire na tanging iniinum ay blood drugs o hindi tunay na dugo. Isa pa ang gusto ng papa niya sa kaniya ay makapag-asawa ng pure blood din at magkaroon ng apong may maharlikang dugo katulad niya.

BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampir[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...