CHAPTER 21

53.6K 1.8K 241
                                        

KAELYNN's POV

❦❦❦

Hindi ko alam bakit nangyayari ito sa'kin ngayon. Andito kami sa super market ni Sir Daryl at nag go-grocery ng mga pagkain para ngayong buwan.

Kahapon lang umiiyak pa siya eh, ngayon balik sa business man look ang dating niya lalo nasa pag-pili ng mga bibilhin namin, napakamitikuloso niya sa presyo isang patunay lang na dakila siyang kuripot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahapon lang umiiyak pa siya eh, ngayon balik sa business man look ang dating niya lalo nasa pag-pili ng mga bibilhin namin, napakamitikuloso niya sa presyo isang patunay lang na dakila siyang kuripot.

"Ang galing naman dito sa commoners market buy one take one? Pero sa totoo lang malaki rin ang tubo ng producer sa mga ganitong item." 'yan ganiyan siya kanina pa, lahat ata ng product dito sinusuri niya at may iba pa nga nilait niya at wala daw alam 'yung mga manufacturer.

Nasapo ko lang ang noo ko at nagbuntong hininga, kanina pa rin kami pinagpepyestahan ng mga babae dito, mapabata o matanda may asawa o wala nakasunod samin at panay ang tingin kay Sir Daryl.

Grabe sila pinagkamalan pa kong yaya pero sabagay totoo naman pero sana  naman pinagkamalan nila ako na asawa niya pero syempre joke lang iyon ayoko na umasa pa.

"Kaelynn sa mga vegetables naman tayo." sumunod ako sa kaniya habang hila-hila niya 'yung cart.

Bili doon bili dito hanggang sa na pagod na kami at na gutom.

"Sir uwi na po tayo maghahapunan na." Tumingin siya sa'kin at sinuri ang paligid.

"May sinasabi si Rious na masarap daw na pagkainan eh, Mcdo daw." Muntikan na ko mapahagalpak ng tawa pero pinigilan ko.

As in si Rious? Kakain sa mcdo? 'Yung mukhang hudlum na iyon at babaero magma-mcdo?!

"Bakit may problema ba?" Umiling ako, wala talaga siyang kaalam-alam sa ibang bagay bukod sa pagtatrabaho niya, ni hindi niya alam 'yung Mcdonalds.

Inaya ko na lang siya at pumasok sa mcdo saka pumila at bumili ng pagkain.

"Ano po sa inyo Sir?" Tanong ko sa kaniya at nagningning ang paningin niya.

"Ang mura ng mga bilihin dito, may mga combo meal pa aba magaling ang producer nila," natatawa na lang ako na parang naguguluhan na rin sa kaniya eh, 'yung totoo broken ba talaga siya?

Pinaupo ko na lang siya at ako na ang umorder, take note pera ko pa ang ginastos ko imbes na ako sana ang maililibre ngayon.

Pinagtitinginan siya ng mga babae sa loob, hindi naman kasi talaga maiiwasan dahil pogi si Sir Daryl at desente tignan 'yung tipong perfect prince charming na hindi katulad ng kambal.

Napangiti ako, ano kaya itsura nilang apat pag sama-sama silang kumain sa labas?Siguro magiging masaya iyon lalo na pagkasama si Sir Darenn.

"Ito na 'yung order mo Sir," at nilapag ko ang pagkain sa lamesa saka umupo saharapan n'yang upuan.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon