KRIZHA'S POV
It's already 3pm.. Tapos na ko magprepare.. Hanggang 1:30 lang classes ko kaya normal teenager lang ako sa hapon..
Pagkababa ko..
Kinuha ko lang yung susi ng motor sa lalagyan nito na parang rectangle na ashtray na parang platito na may mga barya.. Ewan ko kung ano yun..
"I have visitors later.." Sabi ni Braide na kakapasok lang sa bahay..
"Sakto.. Hindi din ako uuwi.." Sabi ko habang nagsisintas ako..
Paalis na sana ako kaso pagbukas ko ng pinto..
"Don't drink any alcoholic beverages.. You're still a minor.." Pagbabanta niya..
"Ano naman gagawin mo pag uminom ako?? Isusumbong mo ko kela mommy?? Tss.. Hindi din nila ako mapipigilan noh.." Matapang na sabi ko..
"I know.. Kaya nga hindi ko na lang sasabihin sa kanila.. Instead.. Tatawagan ko na lang pinsan ko para maipasara yang bar na lagi niyong pinupuntahan.. If I'm not mistaken.. Si Duncan ang may-ari nun.. Right??" Sabi niya sabay ngiti ng mapangasar..
"Hmmmm!!" Nanggigigil na sabi ko sabay walkout.. At padabog kong sinara yung pinto..
"Arrgghh! Kriz!!" Sigaw ni Braide mula sa loob.. Ayaw kasi niya na binabalibag ko yung pinto.. Naiinis siya.. Ng bonggang bongga..
I smirk evilly then sumakay na ko sa motor..
**
Almost 3:30 na ko nakadating sa plaza..
"Yow.. Bat ngayon ka lang??" Salubong sakin ni Dunc.. Kasama niya si Jenny.. Lagi naman actually..
Ewan.. Para ngang ayaw na nilang maghiwalay.. Hindi naman sila..
"Nakipagtalo pa ko sa bahay.." Sabi ko habang naglalakad papasok.. Nakasunod naman sila sakin..
"Ano nanamang issue??" Tanong naman ni Jen pagkaupo namin sa bar.. Nasa kaliwa ko sila.. Si Jen ang nasa gitna..
"No alchoholic beverages.. You're still a minor" sabi ko in a small voice while making face..
"Tss.. Whatever.." Dagdag ko pa.. Then I roll my eyes..
"Yow.. Light!!" Sigaw ng 4 na tropa kong lalaki.. Na kakadating lang..
"Oii.. Aga ahh.." Sabi ko sabay apir sa kanila..
At pinakilala ko sila sa barkada ko.. Nandito na kasi buong black org.. Lagi silang advance eh.. Magagawa?? Ako lang ang laging late ✌(^.^)
"Yow Light.. Sorry we're late.. Ngayon lang pinayagan sila Arnie, Arzel and Genevieve.. Alam mo na.. Same reason as always.." Pagpapaliwanag ni Jorianne.. Na kakadating lang..
Hinawakan naman siya ni Verjen sa kaliwang balikat.. Ang kaso.. Naka defense mode ang bruha.. Hinawakan niya ang kamay ni Verj gamit ang kanang kamay niya then inangat niya ito at akmang babaliin sa pamamagitan ng pagikot..
Buti na lang at marunong din ng self-defense si Verj..
"Oi.. Isasauli ko na nga sayo tong panyo mo na nahulog balak mo pa akong balian.." Sabi ni Verj..
"Sira ulo.. Alam mo nang madali akong atakihin ng Adrenaline rush gugulatin mo pa ako.." Sabi naman ni Jori at biglang binatukan si Verj..
"Hoy kayong dalawa.. Magsitigil kayo at baka dito pa kayo magbugbugan.. Ako mismo sasapak sa inyo pag di kayo tumigil.." Pagbabanta ko..
Tumigil naman sila.. Takot lang nila noh..
"Hi miss.." Bati ni Ace kay Jori..
"Seryoso Ace?? Yan talaga pinuntirya mo?? Walang hilig sa lalaki yan.. Mas lalaki pa nga yata yan sayo eh.." Pagbibiro ko.. At natawa naman lahat..
BINABASA MO ANG
My Secret Life
Teen Fiction[Profile] Morning: Student Afternoon: Normal teenager Night: Wife Mid night: Mafia ** Mahirap maging ako noh.. Kung natutuwa kayo sa sitwasyon ko.. Pwes ako hindi.. ** . . . [COMPLETED] [UNEDITED]