Chapter 29: Hotel

153 8 0
                                    

LIGHT'S POV

"Ate!!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagsigaw ni Kriztel..

"Ha?? Bakit?? Anong meron??" Bangag na sabi ko..

"Hay naku ate.. Ang hirap mo talagang gisingin.. Tara na.. Baba na tayo.. Kakain na ng lunch.." Sabi ni Kriztel..

Kaya nagayos na ko ng sarili ko.. Pinauna ko na siya..

Habang pababa ako binabasa ko yung messages ko galing kay Rain..

Nagrereply na din ako.. Hindi naman ako bumabangga dahil nakikita ko pa yung dinadaanan ko..

Pagkadating ko sa resto.. Huminto ako para hanapin sila Hero..

Nakita ko naman sila agad..

Pumunta ako dun habang nagtetext..

Pagkaupo ko, saka ko nilapag yung phone ko sa table..

"Yow guys.." bati ko.. Bumati din sila pabalik..

"Wala pa si Gill??" Tanong ko..

"Nakikita mo ba siya??" Sarcastic na sabi ni Hero..

"Aba malay ko ba kung nagcr or pumunta lang somewhere di ba?" Sarcastic kong sabi..

"Ok.. Fine.. Puntahan mo kaya para makasabay satin.." Sabi ni Hero..

"Ok.. Ok.. Ikaw na magorder ng pagkain namin ahh.." Sabi ko.. Tumango siya at umalis na ko..

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Love...

LIAN'S POV

"...Masamang pumatay ng tao, pero kung minsan masama din bumuhay ng tao.." Sabi ni Light..

Naguluhan ako sa sinabi ni Light..

"Light!!!" Suway ni Hattori kay Light..

Huh?? Ano bang meron??

At dali daling lumabas si Light..

"Tss.. Buti na lang slow tong isang toh.." Bulong ni Hattori..

"Hindi ako bingi.. Wag kang bumulong.." Mataray kong sabi..

Nagaayos ako ng gamit ko.. Nililigpit ko na kasi tong laptop, baka kunin pa ni Light.. May isang salita pa man din si bruha..

Si Hattori nagaayos ng gamit niya..

May naramdaman akong unti unting lumalapit sakin..

At bigla na lang akong nakaramdam ng tao sa likod ko..

Naestatwa ako.. Nakapatong sa left shoulder ko yung mukha niya habang nakapulupot sa bewang ko yung braso niya..

Shocks.. Nagfaflashback sakin lahat..

Kinuha niya yung hawak kong wire at nilapag niya yun sa bedside table..

At saka niya ko niyakap ng mahigpit..

"I'm sorry.." Bulong niya..

Hindi ako kumilos.. Bakit ba ko pinapahirapan ni Light?? Hindi ako makahindi sa kanya dahil alam niya kung ano ang dapat..

Kumalas siya sa yakap at iniharap niya ko sa kanya..

Bigla niyang pinunasan yung pisngi ko..

Shocks.. Umiiyak na pala ako..

Mas matangkad siya sakin pero dahil nakaluhod siya sa kama nagmukha kaming magkaheight..

Pinunasan niya yung pisngi ko pero ayaw pa din tumigil ng luha ko..

My Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon