Chapter 44: Music

165 10 3
                                    

LIGHT'S POV

Break time na namin ngayon.. After nito performance na..

"Light mamaya ahh.." Sabi ni Missy..

Tumango ako..

Kinakabahan ako..

Maya maya lang nagbell na..

This is it..

Pumunta kami diretso sa Music Room..

Malawak dito.. Lahat kasi ng instruments meron dito..

Pero konti lang yung upuan.. Kumbaga.. Yung magpeperform lang yung may upuan..

High stool sa vocal.. Piano chair sa organ at keyboard.. Drum throne naman sa drummer.. Guitar chair naman sa guitarist..

Nagbunutan kung sino ang unang magpeperform..

Last kami syempre.. Ako bumunot eh..

"Ok.. So hintayin lang natin si Sir sandali.." Sabi ni Hattori..

Oo.. Wala pa siya..

Hugot songs na nga lang daw kakantahin namin.. Wala kasing chords na nahanap si Missy..

After 5 minutes dumating na din ang teacher namin..

Dati ayaw ng late tapos ngayon siya tong late..

Maya maya lang dumating na siya..

Nagstart nang kumanta yung mga naunang grupo..

Puro lively.. Kung hindi naman.. Mga hugot na walang feelings..

After the prepared performance.. Bubunot ka pa ng isang kanta at on the spot mo yung kakantahin..

Swerte mo kung alam mo yung kanta.. Kung hindi.. Bahala ka..

Hanggang sa dumating na yung turn namin..

Umupo ako sa tapat ng organ na nakatalikod sa crowd..

Nasa likod ko si Missy na nakaharap sa crowd.. Nasa harap niya ang isang keyboard piano.. Tapos may gitara sa gilid niya.. May space ng konti sa kaliwa ko.. Sa kanan ni Missy to be exact..

Dun nakapwesto si Jen.. Tapos sa kanan niya yung drums.. Kaya dun naka pwesto si Jori..

Sa harap nila Missy nandun ang crowd.. Pwede din sa gilid pero mas ok pag nasa harap..

Sa gilid nakapwesto sila Hero, Thunder, Verj, Dunc, Jaimie at Vin.. Sa right side ko..

Nilabas ko yung iPad ko.. Dun ako kukuha ng chords..

Hindi ako nakakakanta ng walang chords eh..

"Harap sa audience.." Sabi ni Sir..

Hindi ako sumagot.. Tss.. Bahala siya..

"Hindi siya nagpeperform ng nakaharap sa tao.. Hayaan mo na sir.." Sabi ni Jori..

Kung hindi ko lang kailangan ng grade hindi ako magpeperform eh..

Napairap na lang ako ng palihim..

Napabuntong hininga siya..

"Sige na magsimula na kayo.." Sabi niya..

Inuna namin yung group performance..

Song #1: Destiny by Jim Brickman

Naka auto scroll yung iPad kaya hindi na ko mahihirapang mag scroll..

What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart

My Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon