THIRD PERSON'S POV
"Hoy Light.. Hindi ka ba nahihilo?? Ako kasi hilong hilo na sayo kanina pa.. Kumalma ka nga.." Sabi ni Hero habang nakaupo sa isang high stool..
"Pano ako kakalma?? Hero naman.." Natatarantang sabi ni Light habang naglalakad pakaliwa't kanan sa kusina..
"Pano ka makakapagisip ng maayos kung paikot ikot ka jan??" Sabi ni Hero habang nakahawak sa sentido niya..
Umupo si Light sa tapat ni Hero..
Nakapatong sa kitchen bar yung dalawang siko ni Light.. At yung dalawang kamay naman niya ay nasa magkabilang sentido niya..
"Kumalma ka muna.." Sabi ni Hero..
Kumuha si Hero ng baso na nasa lamesa at kumuha siya ng pitsel sa ref na nasa right side niya lang..
"Oh tubig.." Sabi ni Hero at nilapag niya sa tapat ni Light yung glass of water..
"Sigurado ka bang may tao dun??" Tanong ni Hero..
"Oo.. Hindi ko siya makita, oo.. Pero naramdaman ko siya kasi nahawakan ko siya.. Kaya sigurado talaga akong may tao dun.." Sabi ni Light..
"May naunang dumating dun bago tayo.. May nakaukit kasi sa puno.. Direction kung nasaan yung sniper na gustong bumaril kay Light.." Sabi ni Dunc habang palapit sa dalawa at umupo siya sa tabi ni Hero..
"Oh.. Kaya pala nakita ni Thunder na may binaril ka.." Sabi ni Light..
"Yup.. Bigla kong nakalimutan na kasama namin si Thunder that time.." Sabi ni Dunc..
"Ok.. Sige.. Nandun na tayo.. Siguro nga may mas nauna samin na dumating.. Ang tanong.. Sigurado ka ba sa ginawa niya??" Sabi ni Hero..
Kinwento kasi ni Light kay Hero yung nangyari kagabi..
"Oo sigurado ako.. Alam kong nangyari talaga yun.." Sabi ni Light..
'Isa lang naman ang kailangan kong imbestigahan eh.. Siya lang ang naiisip ko na pwedeng gumawa nun..' Isip ni Hero..
"Ano bang problema??" Tanong ni Dunc..
"Wala.." Sabi ni Hero..
"Guys.. Labas na daw.." Sabi ni Kriztel..
"Ay oo nga.. Kaya pala ako pumunta dito.." Sabi ni Dunc..
"Hay naku Dunc.. Tara na nga.." Sabi ni Light..
At naglakad na sila palabas..
"Relax ka lang.. Focus.. Concentrate.. Wag mo muna isipin yung kagabi.." Bulong ni Hero kay Light..
At naka labas na sila..
"Ok.. Kumpleto na tayo.. So.. Ganito ang gagawin natin.. Diba hinati ang team niyo into 2 groups?? Meron tayong obstacles dito.. Kayo bahala kung anong group ang unang maglalaro.. So.. Ang una ay lulusot kayo sa tali.. Siguraduhin niyong hindi kayo tatama sa tali ahh.. Then.. Tatawirin niyo tong net at tatalon kayo pababa.. Sunod.. Aakyat kayo sa pader gamit etong tali.. Tapos magsslide kayo pababa.. Sunod tatawid kayo dito sa garter.. Kailangan nakatayo.. Hindi pwede ang gumapang.. Sunod gagapang kayo sa putikan.. Sunod ay monkey bars.. Tatawirin niyo lang yan.. And lastly.. Tatawid kayo sa kabilang side gamit ang tali.. Magsuswing lang kayo.. Minus 5 points ang malalaglag.. Additional 5 seconds naman kapag nagiwan kayo ng isang member.. Gets?? Magmeeting muna kayo.." Sabi ni Sir Den..
BINABASA MO ANG
My Secret Life
Teen Fiction[Profile] Morning: Student Afternoon: Normal teenager Night: Wife Mid night: Mafia ** Mahirap maging ako noh.. Kung natutuwa kayo sa sitwasyon ko.. Pwes ako hindi.. ** . . . [COMPLETED] [UNEDITED]