Chapter 13: She's Pregnant

263 7 1
                                    

KRIZHA'S POV

Nandito kami ngayon sa kotse..

Papunta pa lang kami sa bahay.. Hinimatay ata ako..

Pagkagising ko may nakakabit na sakin eh..

Sabi ni Thunder may ginawang tests sakin kanina.. Pero bukas o mamaya pa daw malalaman..

At nandito na kami sa bahay..

Pagpasok na pagpasok namin sa bahay.. Si Braide na prenteng nakaupo sa sofa habang nagdadial ang bumungad samin..

Bigla siyang napatingin samin.. At binaba niya ang telepono..

"San kayo galing?? Kanina pa kayo hinahanap ng nanay niyo.." Sabi ni Braide..

Tinignan ko si Thunder ng masama..

"Hindi ka man lang tumawag.." Sabi ko habang kinukurot siya sa tagiliran..

Napapabalikwas naman siya..

"Pasensya naman.. Nawala na sa isip ko.. Ikaw kasi.......... Asan si mama??" Sabi ni Thunder..

"Nasa dinning.. Pinapakalma ni Rain saka ng tatay niyo.." Sabi ni Braide na ikinatakbo namin ni Thunder..

Pagdating namin sa dinning nandun nga sila..

"Kriz!! Kriztan!!" Sigaw ni Mommy sabay takbo palapit samin at niyakap kami..

"San ba kayo galing?? Kanina pa kami nagaalala sa inyo.." Natatarantang sabi ni mama..

"Sorry ma.. Nawala sa isip ko na tumawag o magtext man lang.. Si Light kasi eh.." Sabi ni Thunder..

Ako nanaman ang nasisi..

Bakit?? Ako ba yung nasa ulirat??

"Tss.. Oo na kasalanan ko na.. Lagi naman.." Sabi ko..

"Oh.. Tama na yan.. Kumain na tayo..... Light.. Maguusap tayo mamaya ahh.." Sabi ni Dad..

At kumain na kami..

"So dad.. Bakit mo kami pinatawag??" Tanong ni Thunder..

"Uhh.. Ok.. Dederetsohin ko na kayo.. Gusto kong magsimula na kayong magtraining para sa kompanya.." Sabi ni Dad..

Nabilaukan naman ako.. Pagkainom ko ng tubig..

"Dad!! This early?? Ambata pa namin ni Thunder.." Sabi ko..

"You're now on the right age Kriz.. Kaya niyo na yun.." Sabi ni Dad..

"Bakit mo ba kami minamadali dad??" Seryosong tanong ko..

Don't tell me may kinalaman toh sa................ *iling*

Hindi.. Stop this Light..

"Hindi ko kayo minamadali.. Gusto ko lang na matuto kayo agad.. Nasa ganyang edad na din ako nung nagsimula akong pagaralan yung kompanya.." Sabi ni Dad..

Tss.. Napaghandaan niya ko..

"Wag mo kami itulad sayo dad.. Dahil magkaiba tayo.." Sabi ko..

Ikakain ko na lang toh..

"Si Thunder na lang.. Kung gusto niya.. Basta ako ayoko.." Sabi ko..

"Thunder??" Tanong ni Dad..

"I don't know.. Ayoko muna magdesisyon dad.. Alam niyo namang mas matured si Light sakin.." Sabi ni Thunder..

Tama siya.. At alam ko yun..

"Kriz naman.. Pumayag ka na.." Pagmamakaawa ni Dad..

"Pagiisipan ko.." Sabi ko..

My Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon