THIRD PERSON'S POV
"Blue team.. Bago ko makalimutan.. Mamaya after dinner maggegetting to know each other stage kayong lahat ahh.. Para makilala niyo ang bawat teammates niyo.." Sabi ni Sir Richard..
At umalis na sila.. Pinaalis din nila lahat ng nakikichismis..
Nagpaiwan si Hero para bantayan si Light..
"Something's bothering you.. Care to share??" Sabi ni Hero..
Tinignan siya ni Light sa mata na para bang sinusuri ni Light ang buong pagkatao ni Hero..
"Ewan.. Nalilito ako.. Di ko na alam.." Sabi ni Light..
Naguluhan naman si Hero..
"Huh?? Teka.. Ako yung naguguluhan eh.. San ka nalilito??" Sabi ni Hero..
Sinapo ni Light yung mukha niya gamit ang dalawang palad niya..
"Ewan.. Ewan ko.. Di ko alam.." Sabi ni Light habang nailing..
"Ayos ka lang ba Light?? Wala ka bang nararamdaman o kung ano pa man??" Tanong ni Hero..
"I'm fine Hero.. Matino pa ko.." Sabi ni Light..
"O sige.. Magpahinga ka muna.." Sabi ni Hero at sumunod naman si Light..
**
Bago magdinner.. Naguusap usap sila Light, Missy, Hero, Kriztel, Thunder, Jori, Jen at Dunc..
Hindi sana kasama si Jori sa usapan dahil kakausapin daw siya ni Verj.. Kaso nakita niyang busy si Verj sa pakikipagusap kay Jelly kaya sumali na lang siya kela Light..
"Sya nga pala Light.. Maalala ko lang.. Ano nga pala pangalan nung first love mo??" Sabi ni Hero..
"First love?? Ko??" Sabi ni Light..
"Ganyan ka ba kahina sa History na kahit sarili mong nakaraan di mo maalala??" Sabi ni Jori..
"Oo eh.. Teka akala ko ba maguusap kayo ni Verj??" Sabi ni Light..
"Wag mong ibahin yung topic.. Iwas ka ng iwas pag love life mo na pinaguusapan eh.." Sabi ni Thunder..
"Ok.. Hindi ko siya maalala.. Bigyan niyo ko ng clue.. Baka sakaling makaalala ako.." Sabi ni Light..
"Ang naaalala ko lang is malapit siya sa bahay niyo.." Sabi ni Hero..
"Mahirap yan.. Mamaya baka maalala ko yan.." Sabi ni Light..
At tinawag na sila para magdinner..
Pagkatapos nila magdinner..
Pinapunta ang buong blue team sa likod ng mga bahay..
Nakapaikot silang lahat.. Walang bonfire sa gitna.. Madami naman kasing ilaw sa paligid kaya maliwanag naman yung paligid..
Kaharap nila sir Den at Sir Richard sila Rhine, Ace, Leo, Hellen, Spike at Alfred..
Nasa right side ni Sir Richard ay 9 random classmates nila Light tapos si Jelly, Verj, Jori, Jen, Dunc, Missy, Light, Hero then si Thunder then 6 random classmates then sila Alfred, Spike, Hellen, Leo, Ace at Rhine.. Then 5 random classmates then si Cassie, Hattori, Braide, Mam Venus, Mam Lily then another 6 random classmates then si Sir Den na katabi ni Sir Richard..
"Kuya.. Kanina ko pa napapansin na ilag ka kay mam Venus.. May problema ba??" Bulong ni Hattori..
"Obvious ba?? Kanina pa ko naiirita dito eh.. Dikit ng dikit.. Daig pa linta.." Bulong ni Braide habang tinatanggal yung kamay ni Mam Venus na nakapulupot sa braso niya..
BINABASA MO ANG
My Secret Life
Teen Fiction[Profile] Morning: Student Afternoon: Normal teenager Night: Wife Mid night: Mafia ** Mahirap maging ako noh.. Kung natutuwa kayo sa sitwasyon ko.. Pwes ako hindi.. ** . . . [COMPLETED] [UNEDITED]