One: Reminiscing

1.6K 18 11
                                    

Alexey’s POV

“You may now kiss the bride.”

 Iyon lang ang hinihintay kong marinig. Ibig sabihin nun ay sa wakas Mrs. Vasquez na din ako.

Tiningnan ko ang kaharap kong lalaki. Shoot! Kahit kelan talaga ay hindi pa ako sanay sa ka-gwapuhan ng lalaking ‘to.

Well, siya lang naman kasi ang nag-iisang Rendell Liu Vasquez.

Ang nag-iisang Knight in Shining Armor ko.

He saved me when we first met.

*Flashback*

Nadestino si Papa sa ibang lugar kaya nalipat din ako sa kung saan malapit na school sa tinitirhan namin.

New environment kaya nag-aadjust pa ako. Hindi pa ako maka-relate sa mundo ng mga tao sa bagong school na pinaglipatan sakin ng nanay ko. At sa tinamaan ka nga naman ng malas eh may mga classmate pa ako na ang sasama  ng ugali. Palibhasa baguhan ako nun kaya ako ang napagttripan nila.

Paupo na ako nun sa bench UTMT. Wag niyo nang itanong alam kong alam niyo yan. Oo sige para di na kayo mahirapan. UTMT (Under the mango tree) gets na? Okay continue. Paupo na ako nun nang may biglang tumama sakin na tennis ball. Ready na akong mag transform into sailor moon at sugpuin ang kasamaan sa ngalan ng buwan pero, hindi natuloy kasi paglingon ko may isang lalaki na may hawak ng tennis racket at bola sa kabilang kamay. Parang naglalaro lang ito nung hampasin nito ang bola ng racket at ipatama sa  dalawang lalaki na nakatayo di kalayuan sa inuupuan ko. 

“You never use a tennis ball into a prank! Cos’ I don’t like it one bit.” Sabi nung lalaki.

Nagtakbuhan naman iyong dalawa.

Lumapit siya sakin. “Hey, Miss. Sorry dun sa ginawa nung mga gag*ng iyon. Di ko naman alam na ibabato pala nila sayo iyong bola na hiniram nila sakin kanina.”

Natulala pa ako dun. Kaya pinitik niya yung noo ko.

Ang sama! Masakit kaya.

“Bakit ka nampipitik ng noo? Akala ko pa naman mabait ka kasi iginanti mo ako dun sa mga lalaking ‘yon. Hmpf.”

“Bakit di kita pipitikin eh naglabakbay na yata ang utak mo sa kung saan. Di mo na ako sinagot.”

“Bakit naman kita sasagutin? Nanligaw ka ba? Eh hindi naman.”

Tiningnan niya ako ng masama. “Ewan ko sayo. May tililing ka yata sa utak.” Iyon lang and he left me.

Syempre ito namang si ako hindi papayag na ganun lang iyon. Ni hindi man lang ako nakapag thank you. Ngbibiro lang naman ako kanina eh. Malay ko bang may pagka-slow din pala ang lalaking ‘yon. Kaya hinabol ko siya.

“Uy! Teka lang naman.”

Huminto naman siya at nilingon ako. “Ano?”

“Galit ka? Nagjojoke lang naman ako eh. Saka thank you nga pala kanina ah.” Sabi ko.

 Nagbago naman iyong expression niya, from the grim look he gave me a while ago into a smile.

“You’re welcome."

Ay ganun? Nagbago agad ang timplada ng mood? Bipolar kaya siya?  I tilted my head to erase that thought. Baka may masabi na naman ako at magalit na naman siya sa ‘kin. Mahirap na ayokong may kagalit na gwapo.

 "But, that's not enough." he added.

 Anong that's not enough ang sinasabi ng lalaking to?

"Ano?"

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon