Priele's POV
“Talaga?” umayos ako ng upo. Nasa may garden kami ngayon ni Ansel at naglalaro ng cards. Dapat kasi nasa bahay ako ngayon nina Mrs. Esguerra kaya lang naglambing naman ‘tong asawa ko na mamaya na daw ako umalis. Napilitan tuloy akong tumawag kanina sa matandang ginang at nagpaalam na mamayang hapon na lang ako pupunta dun sa bahay nila para tapusin iyong ginagawa ko.
“Yeah, who would have thought that their house is just a block away from ours. Iyong white ang paint ng gate then bungalow spanish styled na bahay.”
“Ah naalala ko na, nadadaanan nga natin iyan.”
Pinag-uusapan namin ngayon iyong tungkol sa pagiging magkapit-bahay lang namin nina Alexey. Inihatid daw kasi niya ito kaninang madaling araw. Nagulat pa nga daw siya nung parehong address nila ang binanggit ni Alex.
“Teka nga pala, Priele. Anong gusto mong kainin ngayon?” tanong niya sa’kin. Nakatayo na siya sa may pintuan papasok ng bahay. Kelan pa siya tumayo? Di ko yata napansin na umalis siya sa harapan ko?
Anyways, “Ano ba? Ahm—” nag-isip pa ako ng pagkain na masarap kainin. Inilagay ko iyong index finger ko sa sentido ko. Kunwari ako si ‘The Thinker’. Biglang nag-appear sa utak ko ang saging na saba na may buko. “Alam ko na! Nilupak. Iyon, iyon ang masarap.”
“Ha!?” halata namang nagtaka si Ansel sa sinabi ko.
Bakit kaya? Tinanong niya kung ano ang gusto kong kainin tapos magtataka siya kung mag-order man ako ng kakanin na iyon.
Tumayo na din ako mula sa pagkakasalampak ko sa garden chair. Lumapit ako sa kanya saka itinulak na siya papasok ng kitchen.
“Teka! Priele, bibili na lang tayo.” Suhestiyon niya. Tumango na lang din naman ako.
Lumabas kami ng bahay. Sakay ng kotse panay ang lingon ko sa gilid-gilid ng kalye, ganun din si Ansel. Syempre, baka nasa sidewalk lang iyong mga nagtitinda nun. Mabuti na lang talaga at hindi na kami masyadong nakalayo ay may nakita din kaming maliit na tindahan ng mga kakanin.
“Ale, may nilupak po ba kayo?” si Ansel na ang nagtanong. Habang ako patingin-tingin lang dun sa mga nakadisplay na kakanin.
“Meron po, Sir.” Naghanap naman iyong ale ng nilupak sa mesa. “Heto ho.” Sabi ng nagtitinda at tinanggap na ni Ansel iyong hawak niya.
Agad kong kinuha iyong kakanin sa kamay ni Ansel. “Bayaran mo na.” Pagkasabi nun ay kumagat na ako sa nilupak na hawak ko.
Hindi ko maintindihan iyong lasa. Mabango naman siya halatang matamis iyong saging saba na ginamit pero, bakit parang ang pakla naman ng lasa? Nilingon ko si Ansel na kausap pa rin ang matandang babae. Kumagat ulit ako, kaso ganoon pa din iyong lasa.
Hindi na lang ako nagsalita at baka mainsulto naman iyog tindera pag bumulalas ako dun ng mga reklamo. Kinalabit ko si Ansel. “Hoy, tara na.”
Nilingon naman na niya ako nun. “Okay, Ma’am. Lalayas ka na agad porque’t nakakain ka na.” Nginitian pa niya ako. Gumanti na din ako.
Pagkadating agad namin sa sasakyan ay sinabi ko na sa kanya iyong kanina ko pa gusto sabihin.
“Tikman mo nga. Parang walang lasa iyong nilupak.” Isinubo ko sa kanya iyong kalahati ng kinainan ko kanina.
Ngumuya-nguya muna siya saka nilunok iyon. “Masarap naman ah. Lasang-lasa nga iyong asukal.” Tiningnan niya ako na nakakunot iyong noo.
“Hindi kaya!” para patunayan iyong sinasabi ko sa kanya ay kumagat ulit ako. “Wala talagang lasa eh!”
BINABASA MO ANG
Exchange Lovers - Completed
عاطفيةSynopsis: Alexey Ricaforte marries the man she loves, Rendell Liu Vasquez, her college boyfriend. Gaya ng mga bagong kasal masaya ang naging simula nila, Riu loved her so much he treats her like a princess. Pero, tulad nga din ng ibang mag-asawa hin...