Three: Married Life

626 9 9
                                    

Alexey’s POV

 Nag-iinat muna ako bago lumabas ng kwarto. Di ko na naabutan ang asawa ko sa tabi ko. Lagi na lang siyang mas nauunang magising kaysa sakin. Instead of ako ang magpprepare ng breakfast ay siya ang laging nagluluto.

 Pagkalabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa garden at dun ko siya naabutan na umiinom ng kape. Ganito lagi ang routine namin. Hinihintay lang niya ako magising at uupo lang siya para magcoffee. Nasa garden table na ang breakfast namin.

 “Good morning.” Agad ako lumapit sa kanya at yumakap mula sa likuran.

 “Morning. How’s your sleep?” inilapag niya yung tasa ng kape at nilingon ako.

 “Hmm. Good as ever!” nasasanay na akong inaamoy ko siya pag niyayakap niya ako. Ewan ko lang kung bakit. Ang bango kasi. “Ikaw?”

 “Hindi maganda.”

 Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya nung marinig ko yung sinabi niya. Umupo ako sa katapat niyang upuan. “Bakit?”

 Maybe, I sound so worried kasi nginitian niya ako at ginulo niya ang buhok ko. Ginagawa na niya yan magmula nung naging kami, kinasanayan na niya na gawin akong aso hanggang ngayon.

 I pouted and looked at him intently. Baka kasi may problema na siya at di ko man lang alam. Anong klaseng asawa ako? Sa loob ng isang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa… unti-unti naming napagkakasunduan na no secrets allowed kahit gaano pa kaliit ng bagay na iyan ay di namin itatago sa isa’t isa.

 Kahit pa panay ang away naming dalawa. Di naman maiwasan iyon dahil kahit naman nung kami pa eh mga konting bagay nag-aargue na agad kami though the day won’t end na hindi kami nagkakabati.

 Dahil sa tuwing mag-aaway kami…the person who’s on the wrong side must admit his/her mistake and lower its pride and ask for apology. That should be in the relationship. You need to understand each other if you wanted to make a relationship work. Ganun yung mindset namin. We love each other so, any argument wouldn’t break us apart.

 I grabbed the fork on the table and pointed it at him. “Pag di mo sinabi sakin talagang tutusukin kita nito.” Banta ko sa kanya.

 He just laughed at me kaya pinaningkitan ko siya ng mata. “I hate you so much!”

 Inalis niya yung tinidor sa kamay ko at ipinatong sa plato. “Hindi maganda kasi, di ba ngayon na ang balik mo sa trabaho.”

 Oh! I almost forgot. Yesterday’s the end of my month long leave.

 “And how does it connect with your morning?”

 “Maiiwan akong mag-isa dito sa bahay.”

 “Aw. I’ll be just out for eight hours and be back before dinner. You have tons of work to do too, right?”

 I am the executive secretary of a clothing line CEO and my husbands an architect. While I am busy working at my boss’s office, he’s busy making blue prints in our house. He can just take home his projects and report to the firm when he’s done.

 “Yeah. But, I’ll still be alone. Why don’t you just quit working?” he suggested.

 “I can’t. I will die doing nothing here.”

 “You don’t want to be with me?” yung tono niya ay biglang nagbago. Kanina ay parang bata na nagmamakaawa na bigyan ng candy pero, ngayon ay nakakatakot na.

 Tumayo ako sa harapan niya at yumuko. “Hindi naman sa ganun, Riu. Alam kong busy ka at ayaw kong maistorbo ka lagi pag nagttrabaho ka. Since, wala pa naman tayong anak… maybe I can just still go to work. Let’s keep ourselves busy during day time and we’ll see each other at night. Saka during weekends.”

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon