Alexey's POV
I slowly pushed the door open and the empty room greeted me. Napakunot iyong noo ko. Nasaan si Riu? Bakit wala siya dito? Pero, halata naman na nandito siya kanina lang dahil magulo iyong kumot at may isa pang unan na nahulog.
I stepped back and closed the door. Napatingin ako sa may living room. My eyes automatically landed on the shattered glass and the pillows scattered everywhere that I believe Riu threw last night. I then feel guilty. Kasalanan ko yata ang nangyari dito kagabi. Kung hindi na lang kasi sana ako umalis.
Isa-isa kong pinulot iyong throw pillows at ibinalik sa sofa. Pagkatapos ay naglakad ako para sana kunin iyong walis at dustpan but, midway I stopped.
Ano ang ginagawa niya dito?
I saw Priele sitting on the kitchen counter while Riu was whisking—I believe an egg—at a bowl. Nag-uusap silang dalawa at tawa naman ng tawa si Priele.
“Baliw ka talaga!” tili ni Priele.
Riu dipped his finger on the bowl. Inilapit niya iyon sa mukha ni Priele at pinahid.
“Ano ba, Grendel!” sigaw niya ulit.
Hindi nila napapansin na may ibang tao din pala silang kasama, they didn’t even notice my presence, kasi sobrang busy nila sa pag-aasaran.
Kumuha ng isang itlog si Priele sa egg tray and broke it into Riu’s head. Iyon tuloy naliligo na ang asawa ko ng egg yolk at egg white.
“Ah so ganyanan ang gusto mo?” tanong naman ni Riu kay Priele.
“Ikaw kaya nauna.”
“Konti lang naman iyong nilagay ko sa mukha mo ah.”
“Kahit na! Gumanti lang din ako noh.” Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis siyang bumaba mula sa pagkakaupo at nagsimulang tumakbo sa kabilang direksiyon kung saan wala si Riu nakatayo.
Bago hinabol ni Riu si Priele ay kumuha muna siya ng dalawang itlog at saka siya sumunod.
“Come on, drooling princess. Takot ka sa itlog?” tanong niya habang habol-habol si Priele.
“Hindi! Ayoko lang mag-amoy itlog!” tili naman ni Priele.
Nung mahawakan na ni Riu si Priele ay saka niya binasag iyong mga itlog na hawak niya sa noo ni Priele.
Para akong tanga na nakatunganga lang dito sa may hamba ng pintuan ng kusina habang nanunuod na naglalaro iyong dalawa at naghahabulan.
Ayoko naman na gambalain silang dalawa eh. For the first time in more than a week now, nakita ko ulit na tumatawa si Riu. Unlike na iyong ako ang kasama niya dito sa loob ng bahay na para siyang laging may problema at parang laging Biyernes Santo ang mukha niya.
So, I stepped back.
Anong gagawin ko?
I’m angry at that scene. Anong karapatan nila na magharutan sa loob ng bahay ko? Ang masakit pa mas masaya ang asawa ko na kasama si Priele.
Sa kawalan ng magawa, bitbit ang bag ko ay muli akong lumabas ng bahay.
I don’t want to let them know na nakita ko sila.
Kelan pa sila naging close? Sa pagkakatanda ko they barely talk to each other yet now parang sila pa ang mag-asawa tingnan. Kung ibang tao lang siguro ako at hindi ko alam na may asawa na si Priele at si Riu aakalain ko talaga na silang dawala ang mag-asawa.
Oo, alam ko na magka-away kami ni Riu at galit siya sa’kin pero, anong nangyari at parang hindi niya naaalala na may asawa siya at may problema kami?
BINABASA MO ANG
Exchange Lovers - Completed
RomanceSynopsis: Alexey Ricaforte marries the man she loves, Rendell Liu Vasquez, her college boyfriend. Gaya ng mga bagong kasal masaya ang naging simula nila, Riu loved her so much he treats her like a princess. Pero, tulad nga din ng ibang mag-asawa hin...