Thirty Two : Last Straw

438 10 2
                                    

Priele’s POV

     Ilang minuto din na nakatitig si Riu sa PT kit na hawak niya na may dalawang red lines which means positive. Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Sino ba naman kasing hindi magugulat di ba? Maski ako nga hindi rin makapaniwala. I’ve tried it 5 times just to make sure na totoo nga. Kahapon kasi pagkatapos namin magkita ni Riu bigla na lang ako nasuka tapos wala naman akong isinusuka. Saka napansin ko na hindi pa ako dinadatnan. Hindi ko na lang sana papansinin ‘yon pero, dinaig ako ng pagka-curious ko. At dahil yokong maulit yung nangyari dati sa’min ni Ansel na kung kailan excited na kami ay saka naman hindi pala totoo. Kaya ko naisip na bumili na lang muna ng PT Kit bago mag-assume. Ayoko na umasa tulad dati. Pero, ngayon na nagpositive siya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

My feelings was split in half, why not? Eh hindi ko alam kung sino ba ang ama ng pinagbubuntis ko. Nagmumukha tuloy akong babaeng mababa ang lipad na hindi alam kung sino ang nakabuntis sa’kin. Iyong asawa ko o asawa ng iba.

“Anong gagawin natin?” tanong niya kapagkuwan. Tiningnan ko siya ng mabuti, tulad ko naguguluhan din si Riu.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Hindi ko alam.”

“Are you sure it’s mine? Not Ansel’s?” tanong niya sa’kin.

“I think kailangan natin pumunta sa Ob-gyne para malaman natin kung ilang weeks na ‘yang pinagbubuntis mo.” Mahina lang na wika niya. Naiintindihan ko si Riu kung pati siya hindi din agad makapagsabi na sa kanya iyong bata. Dahil isang beses lang may nangyari sa’min, and for the record may asawa ako.

Kahit ako nga hindi sigurado di ba? The night before na nagpunta kami sa resort at bago may mangyari sa’min ni Riu, Ansel and I did it first.

“Priele?” tawag pansin niya sa’kin nung hindi ako nagsalita.

“I know. Pero, natatakot ako Riu. What if sabihin ulit sa’kin ng doctor na false pregnancy lang pala? Ayoko. Ayokong magpunta sa doctor.” Matigas kong tanggi.

Can you blame me for being traumatize sa pagpunta sa OB-gyne? The last time I went there, I was told I wasn’t pregnant and that it was a fake.

Tumayo si Riu mula sa pagkakaupo at lumapit sa’kin, “Priele, kailangan natin malaman kung sino ang ama ng bata.”

“Alam ko! Kaya lang—”

“Sasamahan kita. Saka sigurado naman na hindi na false pregnancy iyan. Heto oh,” itinaas niya yung PT stick. “May proof ka na. Buntis ka.”

Hindi na naman ulit ako sumagot. Pinag-iisipan ko yung sinabi ni Riu. Oo nga, may pruweba na ako. Limang beses ko nga sinubukan eh at pareho lang yung resulta.

I shut my eyes for a moment and took a deep breath.

“Okay.” Sabi ko.

Riu sighed and patted my back.

“Riu,”

“Hmm?”

“What if, ikaw ang ama nung bata? Paano kung—”

He didn’t let me finish my question at mabilis siyang sumagot, “I’ll take full responsibility as the father of the child.” The sadness in his voice was clear kahit pa pinipilit niyang itago ‘yon.

“Paano si Alex?”

Umalis siya sa tabi ko at lumapit siya may bintana, he stood there overlooking the window. “I have to disappoint her.”

I felt a pang of guilt hit me. Sisirain ko ang isang pagsasama dahil lang naging selfish ako. Dinamay ko pa si Riu sa problema namin ni Ansel.

Habang tinitingnan ko ngayon si Riu na nahihirapan kahit sinabi niyang paninindigan niya ang bata kung siya nga ang ama parang gusto kong i-rewind ang lahat at baguhin kung ano man ang nagyayari ngayon. Gusto kong ipagdasal na sana hindi na lang siya ang ama ng bata, dahil na-realize ko that Riu wasn’t really in love with me.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon