Nine: A Night

382 9 4
                                    

Alexey’s POV

I woke up in the middle of the night. I looked at the guy beside me. Natutulog siyang mahimbing. Iyong braso niya nakayakap sa’kin at iyong isa naman ginawa kong unan. Napangiti na lang ako.

Kanina nung sinabi niya sa’kin na inaantok na siya ay hindi ako naniwala at tama ako. Hindi nga siya inaantok at sadyang may masama siyang balak. Mga excuses talaga nitong si Riu.

Before he dozed off to sleep , napag-usapan namin iyong nangyaring dinner at kung bakit panay ang simangot niya. At iyong sa mga masasamang tingin na ibinibigay niya kay Sir Vince. And I was always right, I got it all right. Naiirita siya kay Sir Vince kanina dahil daw inistorbo kami kanina. Baliw nga naman na lalaki. Hay.

 Dahan-dahan kong inalis ang braso niya nakayakap sa bewang ko at bumaba ako ng kama. Hinablot ko yung robe na nakasabit sa upuan sa harapan ng salamin at isinuot iyon.

 Binuksan ko iyong pintuan sa may terrace at lumabas. I breath for fresh air and filled my lungs with it. Kitang-kita iyong malaking buwan. Sa sobrang ganda niya hindi ko na napansin na gising pala si Riu. Naramdaman ko na lang iyong braso niya sa bewang ko. Mahigpit niya akong niyakap.

 I entwined my hands to his and leaned to him. “Ang ganda ng moon noh.” Sabi ko sa kanya.

 Ipinatong niya iyong ulo niya sa balikat ko at inamoy ako. “Yeah, just like you.”

 Hinampas ko naman ng mahina iyong braso niya. “Bolero ka.”

 Tumawa naman siya ng mahina. “Nagsasabi ako ng totoo.” Niluwagan niya ang pagkakayakp sa’kin, sapat lang para maiharap niya ako sa kanya. Nung nakatingin na siya sa’kin ay iningusan ko siya. “Pa-cute ang misis ko.”

 Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pa rin nawawala iyong ngiti niya. Hinigpitan na naman niya yung pagkakayakap niya sa’kin then he moved his hand on my back to make me lean closer to him.

 “Let’s just go back to sleep.” Sabi niya. Pero, sa ngiti niyang iyan malamang hindi tulog ang gagawin niya eh.

 He pulled me inside. At gaya nga ng sabi ko kanina. Hindi pagtulog ang naiisip niya.

 “Round 2.” Bulong niya sa’kin habang kinakalag ang tali ng robe na suot ko.

 Pinaningkitan ko siya ng mata. Pero, tinawanan lang niya ako.

 Priele’s POV

“You were here, since when?” iyon agad ang tanong niya sa’kin nung makalapit na ako sa kanya. Iyong kasama ko inaway ng asawa niya. Nakakatuwa kasi they’re the opposite of what I expected.

 Yeah, I’ll admit it at first nung malaman ko na may asawa pala yung si Grendel inisip ko agad na baka nadapa yung babae at nabagok yung ulo kaya nagkamali ng desisyon at nagpakasal sa kanya ng walang isip-isip na lang. O di kaya ay baka tinutukan niya ng baril iyong babae at pinilit na magpakasal sa kanya. But, I doubt it now. Mukhang si Grendel pa nga ang tinutukan ng baril.

 Nung makita ko na inaway ni Alexey yung si Grendel aba natuwa ako. Buti nga sa kanya at nagkaroon siya ng asawang amasona. Mukhang tama lang na kay Alexey siya nagpakasal. Nang maturuan ng leksyon ang ungentleman na lalaki na iyon. Pero, nung inasar-asar niya iyong asawa niya at napikon sa kanya ni hindi man lang hinabol para mag-sorry. Walangya talaga.

 “Hey.” Tawag sa’kin ni Ansel na nasa tabi ko at nakaakbay sa’kin.

 “Ah, last day pa. I was spying on you. Baka kasi may mga babae ka nang pinagkaabalahan dito.” Sagot ko sa tanong niya.

 Tumingin ako sa kanya nung tumawa siya ng mahina. Ang baliw na ‘to seryoso iyong sinabi ko tinawanan lang ako. Akala ba niya nagbibiro ako na kaya ako sumunod sa kanya ay dahil baka nambababae na siya? Nakakainis talaga itong lalaki na ‘to.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon