Thirty : Second Chances

376 9 8
                                    

Priele’s POV

     Natatakot akong pumasok sa kuwarto dahil nanduon si Ansel. Pero, I think naman na kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Nagdadalawang-isip lang akong buksan ang pinto ng kuwarto kasi baka biglang may bumuga ng apoy o di kaya i-flip na lang ako bigla ng asawa ko, hindi ko pa naman sigurado kung galit siya o ano kasi base sa naging reaction niya kanina parang wala lang naman. Oo, nagulat siguro siya kaya siya nag-walk out but, aside from that? I don’t know talaga.

Paano ko ba kasi malalaman kung nandito lang ako sa labas. Kailangan ko ba talaga ipalawinag o sabihin ‘yong totoo? Kasalanan naman niya kasi lahat ng ‘to eh.

Tama na nga ‘yang pag-iisip. Kailangan ko na siyang kausapin, if my talk to him will turn out bad then fine. Tatanngapin ko.

Dahan-dahan ay pinihit ko pabukas ‘yong pintuan. Madilim sa loob kaya pumkit-pikit muna ako para i-adjust ‘yong paningin ko sa dilim. Nilakihan ko na din ng bukas ‘yong pinto para may konting liwanag naman na pumasok. Nakita ko si Ansel na nakaupo sa kama at mga basag na picture frame? ‘Yong wedding photo namin na nakasabit sa dingding dati ngayon ay nasa sahig na at basag ‘yong glass cover sa frame. Mga unan na hindi ko alam kung tumalon pababa ng kama sa sobrang takot kay Ansel o itinapon. ‘Yong collection ko ng figurines pati na ‘yong glass cabinet na kinalalagyan nun basag na.

Hindi lang pala pakiramdam ko ‘yong dinaanan ng buhawi. Pati pala loob ng kuwarto namin. Ngayon nasagot na ‘yong tanong ko kanina kung galit ba si Ansel or what. Ang sagot, it’s clearer than the water, galit nga siya.

Sa tingin mo, Priele sinong di magagalit na asawa kung nalaman niyang lumandi ka sa ibang lalaki? Wala di ba? Alam ko ‘yon. Pero, bakit magagalit-galit siya eh wala nga siyang pakialam sa’kin?

Lumingon siya sa’kin. ‘Yong mukha niya di maipinta eh. Gusto ko na tuloy umatras sa sobrang takot. Minsan lang siya magalit at kapag nagalit siya he’s scary. Hindi kasi ako sanay na ganyan ang tingin niya sa’kin na parang ano mang oras eh ibuburol na ako.

Tumayo siya at inilang hakbang lang niya ako. Mabilis niyang hinablot ‘yong braso ko. Hindi naman mahigpit yung pagkakahawak niya kaya hindi masakit but, the hate that’s written on his face makes me want to shudder.

“So, totoo ngang may nangyayari sa’nyo ni Riu?” mahina pero, seryoso niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Napayuko lang ako.

Marahas niyang binitiwan ang braso ko, “I couldn’t believe it, Priele. Hindi ko alam na magagawa mo sa’kin ‘to. You cheated on me. Why?”

Why? Ngayon, tinatanong niya ako? Hindi niya alam kung bakit ayoko na siyang kasama, kung bakit mas masaya ako kay Riu?

Nagpalakad-lakad siya sa harap ko, both hands gripping on his hair.

“Alam kong may mga problema tayo, Priele. Pero, bakit humantong sa ganito? Ano bang kulang sa’kin na hinanap mo pa sa iba? You ruined a relationship! Alex’s so devastated, I can see it in her eyes.”

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon