Six: Bonjour Paris

400 6 4
                                    

Riu’s POV

Pagkalapag ng eroplano saka pa lang ako nagising. Medyo mahaba iyong naging tulog ko, nasa Beijing Capital International Airport  pa ako ngayon dahil dito ang first stop ng eroplano. Next flight ko na mamaya from here to Charles De Gaulle Airport, Paris. Halos isang buong araw din ang Air Travel dahil hanggang 19 hours ang flight time.

Nakakapagod pero, worth it naman ang pagsunod ko sa asawa ko. Babantayan ko lang naman siya ng mabuti kahit pa hindi pa kami bati ngayon.

Sa tinagal-tagal ng pagbbiyahe ay nakarating din ako sa Paris. Ang problema ko lang hindi ko alam kung saang lupalop ng lugar na ito ngayon yung asawa ko. Kung di ba naman kasi may pagka-engot din ako. Ni hindi ko tinanong sa kanya.

Sa laki ng lugar na ito, saan ako magsisimulang maghanap? Siguro mamaya tatawag na lang ako sa kanya. Maglilibot na muna ako sa buong lugar. Susulitin ko na din iyong bakasyon ko. Sa ngayon di ko pa naman mahanap si Alexey edi enjoyin ko na din ang magandang tanawin dito.

Pumara na ako ng taxi para sumakay, papahuli pa ba ako na makita ang Eiffel Tower. Natural hindi.

“Bonjour, monsieur!” bati sakin nung driver. Iyon lang. Mabuti na lang at di na siya nag pranses pa dahil pag nagkataon wala akong maiintindihan.

“Bounjour! Ah, I’m heading to Eiffel tower.” Sabi ko pagkasakay ko sa taxi.

“Pas de problème. Eiffel Tower, right away.” 

Magiliw naman iyong driver nung nasakyan ko. Medyo may kadaldalan din. Hindi miminsang napapangiti na lang ako. Pinagyayabang niya kasi kung gaano kaganda ang france. Tapos, nagtanong din siya kung saang bansa ako galing.

Hindi naman nagtagal ako nakarating din ako sa aking pupuntahan. Kaya bumaba na ako. Nagbayad lang ako at tumango sa driver.  “Merci. ”

Gumanti din siya ng tango sa’kin.  “Soyez le bienvenu! ”

Naglakad-lakad muna ako sa paligid. Maraming tao ang namamasyal may mga Pranses na nakahawak-kamay habang naglalakad at may mga galing pa sa iba’t-ibang bansa.

Pagkatapos kung maglibot-libot at mapagod ay pumasok ako sa Coffee Shop na malapit dun. Naisip ko din na tawagan na si Alexey at ng malaman ko kung saang hotel sila nagsstay ngayon. Syempre hindi ko sasabihin sa kanya na nasa Paris din ako. Baka sipain ako nun at ipa-deport sa Pilipinas pauwi.

Na-dial ko na iyong number niya, nakakailang ring muna bago may sumagot. “Hello?”

“Bakit hindi ka man lang nagpaalam!? Kahit tawag wala akong natanggap.” Bungad ko sa kanya. Nag-galit-galitan pa ako para hindi halata.

“”Ha? Nag-iwan naman ako ng note eh.”medyo nilakasan niya yung pagkakasabi kasi may background na music akong naririnig.

“Note?! Maayos ba iyon? Ano ba ang iniwan mo dito? Aso o asawa?” totoong naiinis ako. lalo na iyong muli siyang sumagot.

“Aso.” Halata sa boses niya na parang gusto na niyang tumawa sa sinagot niya sa’kin.

“Ah aso pala? Ganun?” medyo napalakas na iyong boses dun kaya naglingunan sakin yung mga tao sa coffee shop.

“Biro lang. Wag kang seryoso masyado tatanda ka niyan ng maaga.” At yun nga di na niya siguro napigilan tumawa dahil bigla na lang humalakhak sa kabilang linya.

“Teka! Saan ka ngayon?” tanong ko.

“Nasa France malamang. Tingnan mo sa kwarto baka nandun ako.” Namilosopo pa.

“Sagutin mo kong maayos. Saan ka nagsstay diyan?”

“Sa hotel.” Ayan. Sumagot kang maayos Alexey dahil talagang malalagot ka sakin kapag namilosopo ka na naman.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon