Twenty Three: Evanescence

271 8 0
                                    

Priele’s POV

Napalunok na lang ako nung halos gahibla na lang iyong layo nung mukha ni Riu sa’kin. At dahil parang naduduling na ako ay hindi ko na napigilan na ipikit iyong mga mata ko.

Gosh. Konting galaw ko lang sa ulo ko and his lips will be on mine. And I don’t get this feeling; I like to move my head. I like that to happen.

But, my eyes forcefully shut open when I felt him blew on my face. When I looked up to him, he smiled. “Huhugasan ko lang iyong kamay ko sa loob.” Mahina niyang sabi at lumayo na sa’kin.

I felt disappointed. Twice na iyan ah! Lagi na lang napupurnada eh. Hoy, Priele ah! Ano iyang pinagsasabi mo? Wala ah! Erase. Shhh. Huwag maingay.

Napasimangot na lang ako nung umalis na si Riu sa harapan ko. At dahil kailangan ko din naman hugasan iyong damit ko kung ayaw kong mag-amoy steak ay tumayo na din ako at sumunod kay Riu.

“Hoy! Wait lang. Huhugasan ko rin iyong damit ko.” Mabilis kong tinakbo iyong kinatatayuan ni Riu nung tumigil siya. Sobrang haba kasi ng binti kaya malayo agad ang narating niya. Eh ako? Medyo kinulang—medyo lang naman eh— sa height.

“Tara.” At hinila na niya ako papasok sa loob. Hawak-hawak niya iyong kamay ko kaya balik na naman sa pagzuzumba iyong puso ko.

Hala! Hindi na talaga ito maganda. Dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito. Nasa iisang lugar lang kami ng asawa ko tapos, heto at kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.

Pasimple kong tiningnan si Riu, buti na lang at hila-hila niya ako kaya likuran lang niya ang nakikita ko at bahagyang may gilid ng mukha niya.

Jusko, Riu! Ano bang ginagawa mo sa’kin? May gayuma ba iyong pagkain? Ay! Baka nga! Kasalanan ito nung pagkain talaga.

Deretso kami sa pintuang nakabukas, nakapasok na ako diyan sa loob dati kaya alam kung iyan na ang kusina.

“Alex?” tawag ni Riu sa bruhang asawa niya.

See? See? Ayoko na ng nararamdaman kong ito! Tinatawag ko nang bruha si Alex. Eh wala namang ginagawang masama sa’kin iyong tao.

Bakit ba kasi ganito?

Nabungaran naming dalawa ni Riu si Alex at Ansel na nagpupulot ng mga bubog sa sahig. Ano kayang nangyari at nabasag iyong bote ng wine?

Binitiwan na ni Riu iyong kamay ko at nakisali na din dun sa dalawa na nagpupulot ng mga nabasag sa sahig.

“Anong nangyari?” tanong ni Riu kay Alex.

Tumingala naman si Alex mula sa pagkakatingin sa sahig at tumingin sa asawa niya. Asawa niya. I hate the word.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon