Four: Cat & Dog

495 8 6
                                    

Ansel’s POV

“What!?” Napatayo ako sa narinig. Kapapasok ko lang sa trabaho pero, may problema agad. Nawala lang ako ng two weeks at may aberya na. 

“Sir, wala na po talaga kaming nagawa. Yung isang model nag back out. Wala nap o kaming mahanap na iba.”

Nagpapalakad - lakad ako sa loob ng opisina. Sumakit bigla ang ulo ko sa ibinalita sakin ng isa kong emplayado na nasa Paris ngayon at nag-oorganize ng isang fashion show para sa cloting line company.

“You have to find another model!” Medyo napalakas pa yung boses ko.

“But, Sir––.”

“No buts Anthony!” hindi ko na hinitay pa na makapagsalita siya at ini-off ko na ang cell phone ko. Napasabunot ako sa aking buhok. “Damn it!”

Hindi pa nga sana tapos ang bakasyon ko pero, kinailangan ko nang bumalik dahil ayokong napapabayaan ang kompanya sa kamay ng ibang tao.

Dahil mainit na ang ulo ko ay naisipan kong lumabas at bumili ng kahit na anong malamig para maibsan ang inis na nararamdaman.

Kakabukas ko pa lang ng pinto ay nabungaran ko na si Alex may bitbit siyang mga bondpaper na agad niya inabot sakin nung makalapt na siya sa akin.

“Sir, heto na po yung contract. Okay na po siya. Na-edit ko na po ang mga kelangan palitan.”

Tinanggap ko na lang ang ibinigay niya at wala na akong sinabi pa. Ayoko naman madamay siya sa init ng ulo ko. Hindi rin naman na siya nagtanong pa kaya deretso na akong lumabas.

Nung nasa coffee shop na ako at hinihintay yung order kong Frappucino ay nakatanggap na naman ako ng tawag mula kay Anthony. He just informed me na naghahanap na sila ng bagong model na papalit dun sa umalis.

Hindi madali ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang ko. Dalawa lang kaming magkapatid at yung nakababata kong kapatid ay babae at may pamilya na nasa Europe. At wala naman iyong plano na pamahalaan ang iniwan nina Mama’t Papa na kompanya.

Matagal nang nawala ang mga magulang ko. Namatay si Mama sa sakit na osteosarcoma. At isang taon mula nung nawala si Mama ay sumunod naman si Papa. Sa sobrang depresyon siguro.

Mahal nila ang isa’t isa. Alam ko yon dahil saksi kami ng kapatid ko sa pagmamahalan nila. Hanggang sa nag biente dos anyos ako ay nakikita ko pa rin na parang teenager silang dalawa na sobrang sweet sa isa’t isa. Wala nga silang pakialam kahit inaasar ko sila na ang corny nila.

Sa naalala ko ay na-miss ko tuloy sina Mama.

Mula noong nawala sila pinangako ko sa sarili ko na bubuo ako ng sarili kong pamilya at magiging tulad ako ni papa sa magiging asawa ko.

At yun nga ang plano kong gawin. Ang mahalin si Priele ng buong buhay ko. Gaya ng ipinangako ko sa kanya sa harap ng altar nung araw ng ikasal kami.

Napabalik lang ako sa riyalidad nung marinig ko ang boses ng isang babae. “Here’s your order, Sir.”

“Thank You.” pagkaalis nung babae ay tumayo na din ako at bumalik na sa opisina. Masyado pa akong maraming gagawin para tumunganga lang at mag-isip ng hindi tungkol sa negosyo.

Pagkabalik na pagkabali ko sa opisina ay tinawag ko si Alex. Baka may maitulong kasi siya sakin. Pag may mga problema sa kompanya siya ang laging hinihingan ko ng opinion.

“Sir?”

“Please, sit down.” Pormal ko na sabi sa kanya.

Sumunod naman siya at umupo sa harap ng table ko. “Bakit po?”

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon