Fifteen: On the Rocks

279 7 5
                                    

Alexey's POV

"Sorry, sir. But, the baby's gone."

Pilit kong ipinipikit iyong mata ko para magmukha akong natutulog pero, kahit anong gawin ko ay di ko na napigilan nung tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Gusto kong makita ang mukha ni Riu para malaman ko kung anong reaksiyon niya.  Kaya lang hindi pwede. Kailangan kong pangatawanan na natutulog ako.

Hindi ko naman sinasadya. I did not know that I was pregnant, wasn't aware that there's life already in my belly. If I only have dragged myself to see a doctor when some signs of it had showed. Kung bakit kasi binabalewala ko iyong pagkahilo at pagsusuka ko.

****

"Hon, I need to go the bathroom." siniko ko pa si Riu nun kasi busy siyang umiinom ng champagne niya.

Lumingon naman siya sa'kin, "Hmm? Banyo? Oh sige. Gusto mo samahan na kita?" ngumiti siya sa'kin nang parang sa aso. May binabalak 'ata 'tong masama kaya inirapan ko siya. Tinawanan lang naman ako. "Loko lang."

Nagmamadali na akong pumunta ng banyo kasi parang may kung anong likido na tumagos sa underwear ko.Natatakot ako na baka tagusan ako, feeling ko kasi dumating na ang buwanang dalaw ko. Kanina pa sumasakit ang puson ko. Though I'm used to it, since every time I'm going to have my menstruation, I always suffer from PMS

Pagkapasok ko ng comfort room, I then checked if I already have it. At tama ako, meron na nga. Mabuti na lang at hindi pa masyadong marami kaya malabong tumagos sa damit ko. I’m too lucky kasi may dinala akong sanitary napkin sa loob ng bag ko dahil kung wala… kay malas ko na lang naman.

Pagkatapos kung gumamit ng banyo naisipan ko agad na bumalik, di na ako nagretouch ng make up dahil matatagalan pa ako at baka sumunod na si Riu, masyado pa namang mainipin yung taong iyon.

Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nung makaramdam ako ng pagkahilo. I shaked my head para mawala iyon, madiing ipinikit ko pa iyong mga mata ko kasi umiikot na iyong buong paligid.

Before, I started walking again, I deeply took a breath. "Hoo."

Nagsimula na ako maglakad ulit kaso nakaka-ilang hakbang pa lang ako nung tuluyan nang bumigay ang tuhod ko. I shut my eyes and waited for the feel of the cold floor on my back but, instead of it I feel a two warm  arms that catches me.

“Are you okay?”

It’s a man’s voice. I looked at up into him and met his eyes which, possesses the color of the sky.

“Miss?” he budge. That woke me up from the bubble of thought in my mind. I blinked twice.

“Yes.” Sagot ko naman. Dahan-dahan ay itinayo niya ako ng maayos. “Thank you.”

"Are sure you're okay?" tanong niya ulit hindi pa yata siya kuntento sa naging sagot ko kaya nginitian ko na lang siya to assure him that I'm just fine. Gumanti din naman siya ng ngiti sa'kin. "Ah by the way, Luther. I'm Luther." inilahad niya yung kamay niya.

I don't want to be rude towards him kasi tinulungan niya naman ako kaya tinanggap ko iyong kamay niya. "Alexey."

Dahan-dahan niyang dinala sa mga labi niya ang kamay ko. Dahil hindi ko naman inaasahan ay wala akong naging reaksiyon. Honestly, di ko alam kung paano magreact sa ginawa niya. Well, it's their custom naman. Wala lang sa kanila if hinahalikan ang babae sa likod ng kamay. Kaya sa halip na kumuha ng itak at tadtarin iyong lalaki or sumigaw sa kilig dahil guwapo naman siya ay mas pinili ko na lang na ngumiti.

****

 Iyon yung panahong nasa Paris kami at nag-aattend ng party ni Sir Vince. Iyon din ang dahilan kung bakit nag-away kami ni Riu kasi hindi ko sinabi sa kanya yung buong pangyayari, ayaw ko naman kasing mag-alala siya. But, I guess I was wrong. Dapat pala siguro sinabi ko sa kanya. Cos' if I had told him he will be worried about me and he'll evetually drag me to the hospital. I could have undergone a check up, and sana nalaman ko na na buntis pala ako. Then, naging maingat sana ako.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon