Twenty Nine : Confrontation

376 8 11
                                    

Authors' Note: Here it is. Hope you like it. Please, remember I need a negative and positive reaction. Wild, violent or whatever. Tell me what you think. Thank you.

Alexey’s POV

     I’m a little wondering with myself. Sabi ko I’ll make Ansel fall for me para makaganti ako kay Priele sa pang-aagaw niya sa asawa ko pero, ano ‘to? It’s like I’m the one falling in my own trap. At hindi ko na gusto ‘to. I want Riu. ‘Yon ang alam ko dahil siya ang asawa ko. Iyon naman ang tama di ba?

Mas madalas na nga siya na ang kasama ko kasi hindi pa rin kami nagkakaayos ni Riu. Siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang may ganang umarte nang ganun kaya bahala siya sa buhay niya. Panay ang iwasan naming dalawa ni Riu ngayon. At ang way ko para umiwas eh ang laging umuwi ng sobrang gabi na at ang umalis ng bahay ng sobrang aga para di na kami nagkikita. Mag-aaway at mag-aaway lang din naman kami. Mabuti na ‘yong ganito.

Pero, ng dahil sa ganitong set up namin heto at namomroblema na naman ako. Hindi kasi ako dapat nakakaramdam ng kung ano man ‘to towards my boss dahil bawal ‘yon sa trabaho at hindi lang ‘yon he’s married at ako din naman. I’m feeling awkwardness around him. Nagsimula ‘to nung unang beses na hinalika niya ako, nakalimutan ko lang ‘yon dahil na-distract ako sa pagkakabati namin ni Riu nun. Bumalik lang ‘tong ganito na pakiramdam nung gabi na pinakain ko siya ng strawberry. Bakit ko ba kasi naisip na ipilit sa kanya ‘yong pagkain nun eh.

Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko ngayon. Alex, tandaan mo may asawa kang tao wag kang malandi! Ano ba kasing nangyayari sa’kin? Hindi pwede ‘to. I’m ought to give my marriage with Riu a second chance. Instead sa ginagawa ko na inaagaw din ang asawa ng iba. Sa ginagawa ko para na din akong si Priele and to think I hate Priele dahil sa ginawa niyang panlalandi sa asawa ko. Pareho lang naman pala kami.

Kinuha ko na ‘yong thong para sa chicken kebab nung pagkahawak ko nun ay may humawak naman sa kamay ko. Sabay yata namin naisipan kunin yun thong kaso mas nauna lang ako kaya ‘yong kamay ko na ang nahawakan niya.

Nasa canteen lang kasi ako kumakain ngayon at buffet style naman ‘yong food dito. Ansel invited me forlunch kanina peo, tumanggi na ako. Ayoko na dagdagan pa o gawing mas malala pa ang nangyayari sa’kin ngayon kaya better yet I act like just his secretary.

Kaya nung pagkalingon ko at tingnan kung sino ‘yong kasabayan ko sa pagkuha ng thong eh nagulat pa ako nung makita ko si Sir Vince. Bigla ko na lang tuloy nabitawan yung thong at hinila ‘yong kamay ko na hawak niya.

“Sir, mauna ka na po.” Sabi ko na tinutukoy ‘yong pagkuha ng kebab.

Sa halip na kumuha siya ay tiningnan lang niya ako ng sobrang seryoso at pinag-aaralan niya yata ‘yong naging reaction ko.

“Alex, may problema ba tayo? Bakit parang bigla ka na lang umiiwas sa’kin mula nung—”

“Hindi po, sir.” Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya, “May iniisip lang po kasi ako, may problema po kasi kami ni Riu.”

‘Yong mukha niya hindi pa rin nagbabago ng expression, not buying my excuse. Pero, afterwards tumango-tango naman siya.

Para naman ibahin ‘yong atmosphere nagtanong na lang ako sa kanya, “Bakit po dito kayo kakain, Sir?”

He shrugged at kinuha na ‘yong thong na kanina hawak ko at kumuha siya ng two sticks nung kebab, “Bawal ba ako dito kumain?” sagot niya na di naman ako nililingon.

“Ah hindi naman po ‘yon ang ibig kong sabihin, Sir.”

“Gusto ko lang dito kumain. Tinatamad akong lumabas. At Alex?” he turned his head towards me. “In every sentence you’ll say kailangan ba talaga may ‘Sir’?”

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon