Ten: Misunderstanding

345 8 7
                                    

Ansel’s POV

 “Okay, get ready.” Kanina pa ako pabalik-balik maglakad sa harapan ng mga models at ni Anthony. “Just think, if this show gets busted because of a mistake, yes, even a single mistake, I will make you pay for the consequences. All of you.”

 Kanina pagdating ko sa venue ay naabutan ko si Anthony na pinapagalitan ang mga modelo niya. Before the assembly time he caught a model of his drinking a brandy. Kaya pinagalitan niya ang mga ito. Like what Alexey said when she saw me approached the models, magssecond the motion na naman daw ako at hahaba ng hahaba ang sermon na aabutin ng mga models. She suggested too na wag na akong dumagdag pa at baka ma-pressure lalo ang mga modelo pumalpak pa ang mga ito. But, I didn’t listen to her at all.

After kong gawin ang dapat kong gawin ay umalis na ako sa backstage kasama si Alexey, pinuntahan ko na si Priele sa VIP seats kung saan ko siya iniwan kanina. Si Alexey naman ay humiwalay na sa’kin at hahanapin pa daw niya iyong asawa niya.

Maya-maya ay napuno na ang hall ng mga taong inimbitahan ko para sa fashion show na iyon. Hindi nagtagal ay sinimulan na ang show. I was happy with the result, many people just vocally expressed how they love the new clothing line that would be release for this summer.

Si Priele na nasa tabi ko ay panay ang siko sa’kin at sabi ng ‘That’s pretty’ kapag may nakikita siyang damit na nagugustuhan niya. Hindi na lang ako nagsasalita kaya nginingitian ko na lang siya.

Naging successful naman ang fashion show, it ended with a little speech from the couple of designers who made the dresses and the rest of the wardrobes and of course from me.

“I want to thank the whole staff and the people who made this fashion show possible. It’s been tough but we made it through, all credits to you. And for those who came and supported this show thank you so much. That’s all.” Hindi ko na kailangan ng mahaba at dramatic na speech so, tinapos ko na agad. Nagpalakpakan naman iyong mga taong nandoon, bumaba na ako ng stage.

“Congratulations.” Lumapit sa’kin si Priele pagkababa ko at agad na humalik sa pisngi ko.

Hindi naman ako makontento sa isang halik sa pisngi kaya ang ginawa ko hinatak ko siya palapit sa’kin at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Namula naman siya dun.

I smiled. “And that’s the real congratulatory kiss.” Nginitian na lang din niya ako kahit pa nag-bblush siya.

Hawak ko iyong kamay niya nung salubungin namin at iba’t ibang tao na nagpunta sa fashion show na nag-cocongratulate sa’kin. Iyong iba mga kaibigan ko sa business world at ang iba naman ay mga prospective clients, owner of different boutiques from here–– France–– and other countries. 

Pagkatapos kong harapin silang lahat ay saka naman lumapit sa’min sina Alexey at Riu. May bitbit na isang bungkos ng mga bulaklak na hindi ko alam ang pangalan si Alex.

“For you.” nakangiti niyang inabot sa’kin iyong bouquet ng mga bulaklak. “Congrats, Boss.” Sabi niya. Pero, dahil hindi ko naman inabot iyong bulaklak, na-realize niya yata na hindi pala para sa’kin dapat iyon. Bumaling siya kay Priele na katabi ko saka sinabing: “Tsk, mali pala. Para sa’yo.” Inabot niya iyong bulaklak kay Priele saka tumawa ng mahina.

Nakatayo lang naman dun si Riu at nakikitawa habang hawak si Alexey sa bewang. Nung naglahad siya ng kamay at nag-congratulate sa’kin ay tinanggap ko naman.

“Congrats.” Simpleng sabi niya.

“Salamat.”

Pagkatapos kong makipagkamay sa kanya ay inaya ko na sila sa dinner party na pinahanda ko kay Anthony. It was just a simple dinner para sa lahat ng mga dumalo sa fashion show, just to celebrate its success.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon