Eight: Dinner Date

373 9 4
                                    

Riu’s POV

There you go. I got her pissed off. Hindi na naman niya ako papansinin. Edi wag. Nasanay na ako sa ugali niyang yun. Hindi ko din naman mararamdaman iyong coldness niya, nasa ibang kwarto yata ako. Akala naman niya makokonsensya ako. Siya kaya ang may kasalanan.

Kanina nagulat ako nung bigla na lang silang sumulpot sa harapan namin ni Andrea. Saka akalain ko bang ang boss pala ni Alexey ay ang asawa din ng makulit na babaeng iyon. Nagselos pa ako sa Vince na iyon. Oo, nagseselos nga ako, pero hindi ko talaga aaminin iyon kahit kalian kay Alexey.

Ang bilis ng lakad niya. Nauna na siya sa’min. Hindi ko na din pinagkaabalahang habulin siya. Alam ko naman ang room number niya. Saka mabuti na iyong ganun ng hindi niya ako laging inaaway.

Alam ko masyado akong naging rude sa kanya. Pero, tama lang naman siguro na ipakita ko sa kanya na nagtatampo talaga ako. Kita mo nga, ako pa sinisi. Kasalanan ko pang hindi ko sinabi sa kanya na nandito ako. Eh, nung sabihin ko na sasama ako, ayaw niya. Kay gulo talaga ng utak ng mga babae. Minsan maiintindihan mo, minsan sobrang hindi mo na maintindihan.

Napapangiti na lang ako habang pinapanuod siyang naglalakad palayo. Nasa unahan ko sina Vince at Andrea. Nilingon ako kanina nung makulit na babae at sinigawan ba naman ako.

“Yah! Sundan mo nga yung asawa mo. Ang sama ng ugali nitong lalaking ‘to.” Pinandilatan pa niya ako nung sinabi niya iyon.

Kaso, hindi naman ako takot sa kanya. Saka ko na siya susundan. Hahayaan ko na muna si Alexey sa ngayon. Makikipagbati din ako sa kanya.

Sa sobrang bagal siguro ng paglalakad nung dalawa ay nauna pa akong makarating sa kanila sa hotel. Malamang naglalambingan pa kasi si daan.  Eh ako? Wala. Ako lang naman mag-isa kaya di ko na sila hinintay.

Agad akong nagtungo sa kwarto ko. This is a long day for me. Nahuli na din naman ako ni Alexey kaya  no need to make plans kung paano ko siya sundan-sundan.

Nung makapasok na ako sa kwarto ay dumeretso ako sa terrace. May upuan kasi dun sa labas kaya mas masarap magpahangin. At dun na ako nakatulog. Habang nakaupo.

Nagising na lang ako sa mahihinang katok. Wala naman akong inaasahang bisita. At mas lalong wala akong inaasahang room service. Di ako nag-order ng kahit ano.

Kaya sino kaya ang bisita ko?

Tumayo ako and I glanced at my wrist watch. Hmm. Hindi ko akalaing dalawang oras na din pala akong natutulog sa labas. Medyo madilim na din sa labas nung magising ako.

Nakaka-anim na katok na iyong tao sa labas ng pintuan bago ko nagawang buksan.

Hindi na ako nagulat nung makita ko si Alexey sa labas na parang bored na bored habang hinihintay na mapagbuksan.

“Hey.” Bati ko sa kanya.

Nakayuko siya kaya nung tingalain niya ako saka ko napansin na nakataas na naman iyong kilay niya. “Ang tagal mo buksan ah! Nanakit kamay ko kaka-katok.”

Nagreklamo pa. Sino bang may sabing kumatok siya? At saka ano kayang masamang hangin ang nagdala sa kanya dito. Paano niya nalaman na ito yung room number ko?

Baka naman kasi nagtanong sa baba Riu. Oo, ako na may konting deperensya sa utak. Konti lang ah. Tanong ko, sagot ko.

“Kasalanan ko pa?” tanong ko. “Bakit di ka muna tumawag bago ka nagpunta dito? Paano pala kung wala ako dito ngayon?”

Sinimangutan niya ako. “Wala kang planong papasukin ako?”

Masungit pa din talaga. Di man lang sabihin ng maayos. Kailangang tarayan ako? “Ayoko. Baka may gawin kang masama sa’kin.” Itinakip ko pa sa dibdib ko yung dalawa kong braso.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon