Seven: Spying Partners

423 8 4
                                    

Priele’s POV

Half shocked as I am. Hindi naman iyon naging dahilan para tumunganga lang ako dun habang iyong sinusundan ko ay wala na sa paningin ko.

“Sinusundan mo ba ako?” iyon ang nagpabalik ng paningin ko kay Grendel.

Ang lakas naman ng loob niyang sabihin na sinusundan ko siya? Of all people why him!? Bakit siya pa ang nakabanggaan ko. Ni hindi man nga lang nag-sorry. Basta na lang siya sumusulpot mula sa kung saan at tapos, ngayon aakusahan niya akong sinusundan siya? Ang kapal!

“Excuse me, Halimaw–slash–pangit na ungentleman na lalaki. Hindi kita sinusundan. Grabe sa hangin tol! Ikaw? Sobrang gwapo mo ba at susundan kita?” inirapan ko pa siya pagkatapos kong maglitanya dun.

“Pwede namang sumagot ka lang ng oo o hindi. Ang haba ng sinabi mo. Defensive ka masyado, Miss.” Umiling-iling pa siya dun.

Aba’t! Ang walanghiya pinapalabas pa na defensive at sinungaling ako. Ano naman hahabulin ko sa kanya at susundan ko siya? Not that face ever!

Pinameywangan ko siya. “Malay ko ba na nandito ka rin. Para kang kabute–may lahi ka ba?– lagi ka kasing sumusulpot na lang basta.”

Bumuntong hininga na lang siya at hindi na sumagot pa. Lumingon siya sa direksiyon kung saan ko nakitang dumaan din si Ansel at iyong babae. May hinahanap din kaya siya gaya ko?

“Shit! I lost them.”

Nagmumura siya? Ngayon ko lang narinig. Kasi kahit nung nasa mall hindi naman niya ako minura kahit pa halata namang naiirita na siya sakin nun. Maski nung lunch namin kasama ang mag-asawa ay hindi ko siya narinig na nagmura, ngayon lang.

“Who did you lost?” tanong ko. Kataka-takang umaandar na naman pagkatsimosa ko at sa kanya pa talaga ah.

He glanced at me as if he just realized na nandito pala ako sa harapan niya.

Ilang segundo muna ang dumaan at muli siyang lumingon dun bago sumagot. “My wife.”

Ano daw!? May asawa siya? Weh? Sinong babae ang nagkamaling patulan siya? Ang sama kaya ng ugali ng lalaking ‘to.

Wow. Andito din ang asawa niya. Coincidences nga naman. Small world ‘ika nga.

Pero, teka bakit nawala niya ang asawa niya? Sinusundan din niya iyon? Ibig sabihin pareho kami na nagsspy sa mga asawa namin? Funny. Itanong ko na lang nga sa kanya kesa mag-ala Philosopher ako at gumawa ng kung anu-anong konklusyon.

“Bakit mo sinusundan ang asawa mo?” curuios na tanong ko. Naka-cross arms pa ako.

Nagtaka naman siya sakin. Siguro sa kung bakit ako tanong ng tanong, eh hindi nga kami friends.

Kahit ganun sumagot naman siya sa tanong ko. “Mind your own business.”

Iyon nga lang.

“Wala naman akong business eh.” Seryoso kong sagot.

Nairita na talaga yata siya sa’kin kaya tinalikuran na niya ako. Hinabol ko naman siya. Syempre pa, paparazzi ako ngayon. Tuluyan ko na ngang nakalimutan na sinusundan ko pala yung asawa ko.

“Uy. Wag pikon.” Nakaagapay naman ako sa kanya. Yun nga lang lakad takbo iyong ginagawa ko kasi ang hahaba naman kasi nung biyas. Matangkad na tao eh.

Tumigil naman siya nung napansin niya na hindi talaga ako titigil sa kakasunod sa kanya. “Wag kang makulit.”

“Wala ka nang magagawa. Pinanganak akong makulit.”

Napahugot naman siya ng hininga sa sinagot ko. Ang galing ko talaga sa ganito.

Hinarap niya ako. “Okay, fine. Sinusundan ko iyong asawa ko dahil may kasama siyang lalaki. At ayokong kasama niya iyon. Naiitindihan mo ba iyon?”

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon