Fourteen: Misapprehension

251 8 8
                                    

Priele's POV

“Why don’t we see a doctor?” bigla akong bumalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Nabasag tuloy iyong bowl na pinaglagyan ko ng fries. Natapon kasi iyon sa sahig nung bumangon ako.

 Oh my fries! Sayang naman yun oh. Erase erase sa isip. Ang dapat ngayon na isipin ay kung bakit kailangan naming magpunta sa doctor? Doctor? May sakit kaya ang asawa ko? Malubha? Mamamatay na kaya siya? Oh Diyos ko! Ang bata pa po ng asawa ko, wag niyo Po muna siyang kunin sa’kin. Maawa Po kayo.

Bakit ba ang morbid naman ng nasa utak ko? Magtanong ka kaya muna Priele at hindi iyang kung anu-ano ang iniisip mo. Oo nga noh? Pasensya naman, talagang nag-aalala lang ako sa asawa ko.

 “Doctor?” tanong ko sa kanya. “Bakit tayo pupunta sa doctor?”

Nagulat din yata siya nung nabasag yung bowl kaya mabilis siyang lumapit sa’kin at itinaas iyong paa ko dun sa sofa. “Diyan ka lang, wag mong ibababa yang paa mo.” Sabi niya at umalis, pagkabalik niya ay may bitbit na siyang walis at dustpan.

Tinitigan ko lang naman si Ansel nun habang naglilinis siya ng mga nagkalat na bubog sa sahig. Isinuot niya iyong tsinelas ko sa paa nung matapos niyang walisin iyong nabasag. “Wag mong huhubarin iyan kung maglalakd ka dito at baka may mga malilit na bubog kang maapakan.” Paalala niya sa’kin.

Minsan kasi naglalakad ako sa loob ng bahay ng nakayapak. Nakakalimutan ko kasi magtsinelas eh.

Tumango lang ako sa kanya.

Wait lang ah! May nakalimutan yata ako. Kanina lang nagtatanong ako eh. “Ansel, bakit nga pala tayo pupunta ng doctor?"

 Umupo na muna ulit siya dun sa sofa na katapat ko bago nagsalita, "Ipapa-check up kita," kinuha niya iyong phone niya sa ibabaw ng side table at nag-dial.

Hindi ko naman alam kung bakit niya ako ipapa-check up kaya bago pa niya matawagan ang kung sino mang doctor na iyan ay tumayo na ako at kinuha iyong phone niya ng walang paapaalam.

"Wait lang ah, mag-usap muna tayo bago ka tumawag ng doctor." iwinagayway ko pa iyong phone niya sa harapan ko, "Bakit mo ko ipapa-check up, aber? Wala naman akong sakit."

"We don't know just yet." tiningnan niya ako nang pagkaseryoso. "That's why, I'm bringing you to the doctor."

Ganun lang? Pupunta kaming doctor dahil baka may sakit ako? Joke talaga 'tong si Ansel bebe labs ko eh. Ang sarap panggigilan. Kaya lang, ayoko sa doctor.

"Ayoko, no way, at hindi!" pinakadiin-diinan ko pa lahat ng salita na iyon kahit iisa lang naman ang ibig sabihin.

Alam naman niyang ayoko talaga sa Doctor eh, pag yan na ang pinag-uusapan synonymous ng word na doctor ang salitang injection kaya malabong gustuhin kong pumunta ng doctor. At isa pa sigurado akong, wala akong sakit!

"Pero, Priele–––" 

I cut him off, "No buts, Ansel. Ayoko sa doctor, sorry." pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay tumayo na ako at umalis ng sala.

Sinabi ko nang ayoko mapilit pa din. Pasaway talaga. Hmpf. Oops, teka lang. Bakit parang may tumusok sa paa ko? Shoot! Hindi ko naisot iyong tsinelas ko. Lintek na bubog 'yan! Hindi ko na lang pinahalata kay Ansel na may naapakan akong something at baka kaladkarin na nga niya ako sa doctor.

Nung makarating ako ng kuwarto ay humarap ako sa salamin–– nakalimuatn ko nga iyong sugat sa paa ko. Mukha ba kasi talaga akong may sakit at nasabi niya iyon? Parang wala naman eh.

Idinilat ko ng malaki iyong mata ko at sinipat-sipat iyon. Hindi naman siya kulay yellow, kaya wala pa akong jaundice. Tiningnan ko naman sa salamin iyong ilong ko, wala din black heads at white heads. Ngumisi naman ako ng pagkalaki-laki at tiningnan ang ngipin ko, wala din namang nabubulok kahit kain ako ng kain ng ice cream. Tapos, lahat ng parte ng katawan ko kumpleto naman at walang nawawala. And I don't feel anything unusual. So, I'm all clear!

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon