Eleven : Priele's Thoughts

364 7 12
                                    

Priele’s POV

Dalawang araw na din akong nakauwi dito sa Pilipinas. Nauna akong umuwi at si Ansel naman ay nagpaiwan pa para sa mga business transactions at contract signing for the new customers of the company. Ako naman, ang dahilan kung bakit mas nauna akong umuwi at di na lang naghinaty na matapos si Ansel dun ay dahil ngayong araw ko na sisimulan iyong trabaho ko para sa town house nina Mrs. Esguerra. And here I am preparing to meet them later.

Kinuha ko na iyong bag ko na nakapatong sa kama pati na rin iyong folder na naglalaman ng designs, mga gamit na kailangang bilhin at set up na gagawin ko para sa bahay ng mag-asawa. Gaya ng dati tinawagan ako ng ginang kanina para ipaalala sa’kin na magkikita kami ngayong araw na ‘to.

Pagkakuha ko ng mga gamit ko ay ini-lock ko na iyong kwarto namin ni Ansel. Ganun na din ang ginawa ko pagkalabas ko ng bahay mismo. Nasigurado ko na rin kani-kanina lang na naka-lock ang bawat bintana ng bahay, nagsisigurado lang at baka manakaw ang mga ginto ko sa loob, kahit wala naman talaga. At dahil hindi naman ako lutang ngayon, dahil nakatulog ako ng eight hours, gagamitin ko na ang kotse ng asawa ko.

Medyo malapit lang naman sa tinitirahan ko iyong pupuntahang furniture shop–– na pagmamay-ari ng kaibigan ng kuya ko–– ng mag-asawa. Kailangan kasing kasama ko sila sa pagpili at pagbili ng mga gamit para sa bahay nila. Ako ang nagrekomenda ng shop na iyon, kapag may nagpapaayos o nagpapadecorate ng bahay sa’kin doon ako kumukuha ng mga furnitures. Bukod kasi sa kakilala ko iyong may-ari, magaganda iyong designs ng mga furniture, plus the quality is really good, and the price is just right. Hindi masyadong magagastusan ang mga kliyente ko.

Pagkarating ko sa shop ay nandoon na ang mag-asawa, naghihintay sa’kin. Nakatayo ang dalawa sa tabi ng sasakyan nila. Naka-cling iyong kamay ni Mrs. Esguerra sa esposo niya. Kami kaya ni Ansel? Sana ganyan din hanggang sa pagtanda?

Nakahanap na ako ng mapagpaparadahan ng sasakyan kaya pagkatapos ko magpark ay bumaba na ako ng kotse at lumapit sa kanila.

“Good morning po.” Humalik ako sa pisngi ng ginang at nakipagkamay naman sa matandang lalaki.

“Kumusta hija? Mukhang maputla ka ngayon ah. Are you okay?” puna ni Mrs. Esguerra. Hinawakan pa niya iyong magkabilang pisngi ko.

Ngumiti lang naman ako sa kanya. “I’m okay po. Wag po kayong mag-alala. Kulang lang po ako sa exercise.” Tumawa ako ng mahina. Ganun din naman ang ginawa ng matandang babae kaya inaya ko na sila sa loob kapagkuwan. Hindi ko na lang binigyang pansin ang sinabi niya kanina sa’kin. Namumutla ba talaga ako? Inalis ko na lang sa isipan ko iyon.

Nung nasa loob na kami ng shop ay nagtingin-tingin na ako nang mga gamit na ilalagay ko para sa sala, iyon na muna ang inuna ko. Iyong mag-asawa humiwalay muna sa’kin at nagtungo sa may kitchen furnitures. Busy pa ako sa kakatingin kaya di ko napansin na nasa tabi ko na pala si Brien na kaibigan ng kuya Chad ko, kaya kaibigan ko na rin.

“Hey, Pretty Missy.”

Bigla akong lumingon, buti na lang at hindi naipit iyong ugat ko sa leeg sa ginawa ko kundi malas ko lang talaga at may stiff neck na sana ako ngayon. Pabigla-bigla ba naman kasing sumusulpot. Eh madami pa naman akong nainom na kape kaya magugulatin ako.

Tumatawa pa siya dun, dahil pinipigilan niyang mapalakas ang boses niya ay nakatakip iyong dalawang kamay niya sa bibig. Hinampas ko tuloy siya ng pagkalakas-lakas.

“Ouch!” reklamo niya, hinimas-himas pa iyong tinamaan ng kamay ko.

“Kasalanan mo iyan. Sukat bang manggulat ka.” Pagtataray ko sa kanya. Tinaas-taasan ko siya ng kilay dun.

“Sabi ko nga.” Tumango na lang siya ng pagsang-ayon sa’kin. “Oh, kumusta na pala kayo ng asawa mong mas gwapo pa rin ako?” ang laki ng ngiti niya sa’kin. Joke talaga ang lalaking ‘to kahit kailan, sobrang makapal din ang hasang eh.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon