Two: Past & Present

868 8 15
                                    

 Priele’s POV

 

“Ang init! Ganito ba talaga sa Pilipinas? May malaking oven.” Reklamo ko sa sarili ko. Ako lang naman kasi mag-isa dito.

Sinusubukan kong libutin ang buong luneta. At dahil single lady naman ako mukha tuloy akong kawawa, ako lang ang walang kasama. Kung hindi buong pamilya ay magboyfriend ang mga nasasalubong ko.

Kakarating ko lang sa Pilipinas, galing pa ako sa Chicago. Naroon na kasi ang mga magulang at kapatid ko, kaya di naman kataka-takang di ako sanay sa klima sa Pilipinas.

Pinapaypay ko sa sarili ko yung dala kong panyo. Bitbit ko naman sa kaliwa kong kamay ang cotton candy na nabili ko kanina, nainggit kasi ako sa batang kumakain niyon na nakita ko.

At dahil inggitera ako bumili na ako.

Tumunog iyong cell phone ko sa bulsa ko. Kaya hinugot ko iyon mula dun. Pagkabasa ko na si Kuya pala ang caller ay agad ko ‘yong sinagot.

“Andrea! Kahapon pa namin hinihintay ang tawag mo pero, wala kaming natatanggap. Pati yung email na pinadala ni Chevie hindi no sinagot.” Malakas ang pagkakasabi ni Kuya nun kaya inilayo ko ng konti yung cell phone ko sa tenga ko.

Nung marinig ko na tapos na siya sa paglilitanya sa kabilang linya ay saka ko inilapit ulit yung sa tenga ko. “I’m sorry, Kuya. Nasa Pilipinas na ako at masyadong mainit dito magpadala ka ng bloke ng ice ngayon din.” Sinamahan ko pa ng biro yun para iwas na sa mas mahaba pang litanya niya.

Bakit nga ba nasa Pilipinas ako? Well, gusto ko lang na dito na muna magbakasyon. Summer naman kaya iniwan ko na sina papa’t mama dun. Ayaw naman ako samahan ng dalawa kong kapatid kasi busy daw sila sa trabaho kaya ako na lang mag-isa lumayas.

Naka-stay ako ngayon sa Auntie ko na kapatid ng papa ko. At ito nga galit sakin ang nakatatanda kong kapatid kasi nangako ako sa kanila na tatawag ako sa oras na tumuntong na ako ng Pilipinas pero, sa sobrang saya ko nga nakauwi din ako sa wakas sa bansang aking sinilnagan– Naks! Ang lalim– nakalimutan kong tawagan sila. At di ko naman binubuksan ang e-mail ko kaya wala akong kamalay-malay na nag e-mail pala sakin yung isa ko pang kapatid.

What can I do? They’re very protective of me. Ako lang kasi ang nag-iisang babae sa pamilya with the excemption of my mom. I grew up with my brothers treating me like a princess kahit lamok inaaway ng mga iyan pag dumapo sakin. Ganun nila ako kamahl eh.

“Andrea! Andrea! Nakikinig ka bas akin?” yung malakas na boses ni kuya yung nagpabalik sakin sa reality kung saan na kasi nakarating yung utak ko.

“Kuya naman. Magpapabinyag ako ulit para di mo na ako kilala. Kanina ka pa Andrea ng Andrea! Nabibingi na ako.” reklamo ko sa kanya.

“Malamang. Kanina pa ako nagtatanong kung okay ka lang ba diyan pero, di ka naman sumasagot akala ko kung napano ka na.”

“Yes, Kuya. I’m just fine. Ang reklamo ko lang is mainit yung Pilipinas! Kaya pala nauso ang halo-halo dito.” Kung anu-ano na pinagsasabi ko para wala na siyang maitanong pa.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon