Nineteen : Sudden Outburst

298 5 21
                                    

Priele’s POV

Hindi ko pa rin kinakausap si Ansel at ganun din naman siya. Natatakot ako sa kanya eh. Aware pa naman ako na kasalanan ko kaya hindi ko muna nilalapitan.

Nasa sala siya at nanunuod ng game ng paborito niya team sa football. Ang boring-boring ng pinapanuod niya. Gusto ko ngang ilipat kaya lang hawak niya iyong remote. Kaya tiniis ko na lang na manuod. Kanina nasa loob ako ng kwarto at nagmumukmok kaya lang wala naman akong magawa kaya bumaba na ako. At heto nga ang inabutan ko.

Si Ansel na nasa harap ng TV at nakapatong ang paa sa ibabaw ng center table habang may hawak na beer at may mga tatlo pang beer sa mesa.

Nagugutom na ako. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko. Leche naming mga bituka ‘to. Hindi naman nakiki-join sa’kin. Alam ba nilang wala akong taga-luto ngayon? Wala kasi talagang pagkain sa kusina hindi kasi nagluto si Ansel. At ayoko pa naman mamatay sa sariling kong kamay dahil nga hindi naman ako marunong magluto baka ma-poison pa ako.

Tiyan huwag ka naman magreklamo oh. Makisama ka sa’kin. Diet tayo ngayon. Sa isip-isip ko.

Panay ang lingon k okay Ansel baka sakaling maka-gets siya na malapit na akong kumain ng tao at tumayo siya diyan sa lintek na sofa at ipagluto ako. Pero, nagrarally na’t lahat ang mga alaga ko kaso maski man lang lingunin ako hindi ginawa ng buwisit kong asawa.

Gutom na ako!!

Hindi ko na talaga kinaya ang nangyayaring rally sa tiyan ko kaya tumayo na ako at lumabas ng bahay. Kinapa-kapa ko muna iyong wallet ko sa bulsa at nung masigurado na nandun nga iyon ay naglakad na ako.

Pakakanta-kanta pa ako habang naglalakad kaya ang lakas ng sigaw ko nung biglang may nabasag.

Shit! Ano iyon? Luminga-linga ako. Nasa tapat na pala ako ng bahay nina Riu. Sa loob ba galling iyong nabasag?

Pinasingkit ko iyong mata ko para aninagin iyong loob ng bahay. Bukas naman kasi ang bintana. Pati nga ang pintuan bukas eh. Kaya lang wala man lang nakabukas na ilaw.

Hala! May magnanakaw kaya?

Lumingon-lingon ako para maghanap sana ng makakatulong sa’kin pero, wala man lang ni-isang tao. Naulit na naman iyong may nabasag. Jusko! Anong gagawin ko? Natatakot ako sa mga magnanakaw na iyan. Pero, kung hindi ko titingnan baka kung napano na sina Riu at Alex.

Huminga muna akong pagkalalim-lalim at saka nagdesisyon na pumasok.

“Sino ang nadiyan?” tanong ko. Kahit hindi ko naman alam kung may tao nga ba. “Riu! Alexey!” tawag ko sa kanila.

I stayed alert as I surveyed the surrounding nung biglang may gumalaw sa may sofa. Napatalon pa ako sa gulat nung nagsalita pa iyon.

“Alex?”

Ha? Ano daw? Alex? Nung marealize ko iyong sinabi niya at nakilala ko na ang boses ng taong nakaupo dun ay tinawag ko siya.

“Riu?”

“Alex?”

“Hindi ako si Alexey. Si Priele ‘to. Bakit ang dilim-dilim ng bahay niyo? At nakabukas pa ang pintuan. Nag-iimbita k aba ng magnanakaw?” sunod-sunod kong sabi.

“Ah. Priele.” He laughed.

Anong nangyayari sa taong ‘to at parang baliw. Anong nakakatawa?

“Hoy! Lasing ka ba?” tanong ko sa kanya na hindi naman niya sinagot. Tahimik na naman ulit siya dun.

Nagpalinga-linga ako at gamit ang phone ko ay sinubukan kong hanapin ang switch ng ilaw. Nahanap ko naman kaya ini-on ko iyon.

The light flooded the whole sala at ang kalat-kalat. Mga throw pillows na literally itinapon. At iyong dahilan kung bakit ako nakarinig ng nabasag. Bote ng beer at baso na nasa may ibabang bahagi ng side table kung saan nakapatong iyong telepono.

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon