Priele’s POV
The red light inside my head is warning me. But, I chose to not listen to it.
I slowly closed my eyes as the anticipation, excitement and the thought that what we will be doing is a mistake grew inside me as seconds passes by.
Tick tock tick tock.
There’s so much silence that I almost jumped when my phone inside my pocket vibrated and the sound of its ringing cracked the silence and the trance between Riu and me.
I slipped my hand to fish out my phone. Gosh, salamat sa tumawag at hindi natuloy iyong—I’ll bet my life on. I know, Riu should have kissed me kung hindi tumunog iyong phone ko—halik na hinintay ko pa talagang mangyari.
Gusto ko tuloy batukan iyong sarili ko sa nagawa. Umaarte ako na para bang teenager at single. Gumising ka, Priele! Iyong asawa mo naglayas lang. Uuwi din iyon. Tandaan mo ‘yan. At iyang nasa harap mo may asawa din.
“Hello?” para ma-excuse iyong sarili ko kay Riu ay umatras ako ng konti at basta na lang sinagot iyong tawag without even bothering to look who’s calling me.
His deep baritone voice woke me up, “Priele.”
“A-Ansel. Bakit napatawag ka?” what a question. Way to go, girl. Asawa mo iyan so, kahit walang dahilan pwede ka niyang tawagan. Pero, magka-away kami ngayon kaya sigurado akong may rason kung bakit siya tumawag sa’kin.
(Hindi ako nakapagpaalam kanina. Sorry.) He paused for me to speak.
“It’s okay.” I replied.”Nasaan ka ba ngayon?”
(Nasa Batangas ako ngayon. At bukas pa ako uuwi.) Medyo malakas iyong boses niya dahil siguro medyo mingay iyong paligid niya. May naririnig kasi akong mga nag-uusap. (I’m here for business.)
“Okay.” What? Ano pa ba sasabihin ko? Take care? O umuwi agad siya cos’ I missed him? Hindi ko masabi iyon kasi nakokosensya ako sa muntik ko nang magawa kanina. “Bye.” Iyon na nga lang ang nasabi ko.
(Bye.) And he ended the call.
Kahit wala na iyong asawa ko sa kabilang linya ay hindi ko pa ibinababa ang phone mula sa tenga ko. Kaya nagulat pa ako nung may humawak sa balikat ko at itinapat sa mukha ko iyong plastic na may laman ng ini-take out namin na pizza.
“Nakalimutan mo.” He said. Kung titingnan siya para lang naman walang muntik ng mangyari kanina. Nakangiti lang siya sa’kin ng papilyo. “Pasok ka na pandak at matulog ka na. Baka pwede ka pang tumangkad.”
Hindi agad ako nakapagreact sa sinabi niya kasi naman eh. Nawiwindang pa iyong utak ko. Pabigla-bigla man lang ‘tong si Riu.
Nung nasa loob na siya ng sasakyan niya ay saka ako tumalima. “Buwisit ka talaga, Riu! Makikita mo tatangkad pa ako!” I even raised my fist towards him. Tumawa lang din naman siya.
Bruho talaga ang lalaking iyon. Pang-asar!
Ansel’s POV
Pagkatapos ko siyang tawagan ay hinanap ko si Alex. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Kanina kasi pagkababa namin at matapos ko siyang ipakilala sa mga kaibigan ko at kakilala ay naihiwalay kaming dalawa. Hinila kasi siya ni Lisa at ako naman nina Ralf.
Napasarap naman na iyong kwentuhan namin kaya di ko na siya naalala. Ngayon na lang na naka-alis ako kina Ralf. Habang nag-uusap kasi iyong ibang mga kaibigan ko na nasipag-asawa na ay saka ko naalala na hindi pala ako nagpaalam kay Priele.
Nakokonsensya naman ako sa ginawa ko kahit pa gustong-gusto kong gumanti sa kanya at hindi rin magpaalam gaya ng ginawa niya nung isang araw. Pero, hindi ko naman magawagawa. Asawa ko pa din siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/7760755-288-k247064.jpg)
BINABASA MO ANG
Exchange Lovers - Completed
RomanceSynopsis: Alexey Ricaforte marries the man she loves, Rendell Liu Vasquez, her college boyfriend. Gaya ng mga bagong kasal masaya ang naging simula nila, Riu loved her so much he treats her like a princess. Pero, tulad nga din ng ibang mag-asawa hin...