Five : We Clash

418 7 6
                                    

Priele’s POV

It’s so hard to be alone in a huge house. I can feel the emptiness that Ansel left.

Naks naman! Duma-drama na ako. Wala pa naman yan sa nabili kong Merriam Webster Dictionary (Penge TF para sa pagpplug ko niyan). Eh kasi naman wala akong magawa sa bahay kundi ang matulog, kumain, manuod ng TV, pati makinig sa A.M radio pinatulan ko na din pero, mas lamang talaga ang tumunganga lang ako.

Magdadalawang araw pa lang nasa Paris yung asawa ko eh namimiss ko na. Magawa ko mahal ko nga. Saka mula nung ikinasal kami kahit ilang linggo pa lang ang nakakaraan sanay na sanay na ako na lagi niya akong iniinis. Ewan ko bas a sarili ko at kung bakit ko siya sinagot nung ligawan niya ako. Mas lalo pa akong nagtaka nung nag ‘I Do’ ako sa altar sa kanya.

Kataka-taka pa ba iyon eh nainlove nga ako sa kanya…Hardcore! Kung di pa nga siya nanligaw baka ako pa ang dumiskarte sa kanya. May kuliling pa man din yung sa utak­–– mana sa’kin. Hehe

Kahapon tumawag naman siya ng tatlong beses nung makarating siya ng Paris. Tapos ngayong araw na ‘to ay dalawa pa lang. Hinihintay ko nga yung pangatlo. Kaso, sobrang late na ng gabi pero, wala pa din.

Ang ginawa niya kasi, tumatawag siya sakin sa umaga, sa tanghali at gabi. Para daw busog ako sa boses niya, three times a day. Parang pagkain lang! Bongga kasi iyong asawa ko eh, patay na patay sa angkin kong kagandahan. Mwahaha! Iba na talaga pag may confidence ka.

Muli kong sinulayapn iyong cell phone ko sa gilid ko, itinabi ko talaga para di ako mahirapang abutin pag tumawag na siya. Mag-aalas nueve na ng gabi pero, ni ha- ni ho ay wala pa rin akong natatanggap–– nag e-exaggerate lang po–– mga bandang alas dos na din kasi ng hapon natapos yung tawag niya sa’kin kaninang tanghali. Mga dalawang oras ko din siya kausap. OA nga ang taong iyon, sinabi ko sa kanya na wag ng 3x a day dahil iniisip ko na lang na nasa office lang siya baka marami silang ginagawa dun. Pero, mapilit siya kaya pabayaan.

Takot lang niyang magtampo ako at di ko siya kausapin hah!

Nagconcentrate na lang ako sa nilalaro ko. Sabi san’yo kumpleto yung bahay namin may kasama pang Video games. Atat kasi si Ansel para daw sa magiging anak namin yun. May plano ata siyang paglaruin ng VG ang anak namin kahit isang buwan pa lang.

Pero, di bale may silbi naman pala sa’kin ‘to.

“Yaah! Yan bagay iyan sayo. Sinuntok mo ko ah.” Malakas kong sabi dun sa TV screen, kinakausap ko kasi iyong kalaban ko. Nakakainis kasi sa isang oras ko na nakaupo dito di ko naman matalo-talo itong kalaban ko. Nabubuwisit na ako! Hindi man lang magpaganti.

Nung huling round ng laro ay di ko expected na mananalo ako kaya ang lakas ng sigaw ko na halos lumawit na ang ngalangala ko sa sobrang saya. “YEEEEEEEEEEEEEEEES! At last nanalo din ako! Oh ha! Mayabang ka kasi!” I stucked my tongue to the screen.

As if naman makikita ako nung kalaban ko kanina. Buti na lang at sarado yung pintuan at mga bintana dahil baka mapagkamalan akong nababaliw. Wala pa naman akong kasama dito sa bahay, mabuti sana kung nandito si Ansel kasi puwede kong gawing palusot na inaasar ko yung asawa ko kaso, wala.

Ganito pala ang maiwan mag-isa sa bahay. Nakakabaliw. Kung pwede ko lang sana i-move yung meeting ko with the clients aba’t edi nasa Paris na sana ako ngayon at rumarampa gamit ang Manolo shoe ko at ang Gucci bag ko. Hay. Sayang.

Di pa ako tapos, pagpparty ko ng panalo ko nung marinig kong nag-ring iyong cell phone ko. Agad ko naman pinulot iyon sa upuan at sinagot.

“Ansel! Bakit ngayon ka lang tumawag?” bungad ko agad sa kanya.

Kaya nagtaka ako nung boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya, to make sure na hindi ako nagkamali na number ni Ansel iyong gamit nung babae ay tiningnan ko yung screen ng phone ko. At tama ako! Number nga ng asawa ko ang tumawag sa’kin. Pero, bakit babae ang sumagot

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon