Thirty One : Big News, New Problem

357 9 9
                                    

Priele’s POV

     “I don’t know, Riu. I never thought it would be like this. I’m sorry for dragging you into this mess.” Katabi ko ngayon si Riu sa isang bench sa may park. He called me kasi kanina para kumustahin ako.

It’s been days since nangyari nga iyong revelation sa relationship naming dalawa. Akala ko nga hindi na niya ako tatawagan. I never tried calling him either dahil natatakot ako at hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Nasa bahay pa rin naman ako namin ni Ansel. Namin. Kahit wala na akong karapatan na tawaging ‘amin’ iyon. Sinubukan kong umalis na lang sa bahay na iyon kinaumagahan after namin nagkasagutan ni Ansel pero, hindi siya pumayag. The house was his gift to me daw kaya bakit ako aalis sa sarili kong bahay. He gave way. Siya iyong umalis. Naiwan ako mag-isa.

Kaya I thanked Riu for calling me. Akala ko kasi ako na lang mag-isa. Na pati siya nawala na rin sa’kin. Kahit bilang isang kaibigan lang. Ngayon kasi hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Because, I was supposed to be happy na si Ansel na mismo ang sumuko sa’kin. Hindi ko na kailangang magdesisyon na iwan siya dahil siya iyong nang-iwan na, kahit kasalanan ko pa. Kaso, hindi naman iyon ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako na sinukuan niya agad ako. Hindi ko maintindihan iyong sarili ko.

Siguro nga ang nararamdaman ko lang ay guilt. Hindi ko alam.

“Okay lang, Priele. Pareho naman natin ginusto ang nangyari kaya bakit mo sisisihin ang sarili mo lang? Ako nga iyon dapat humingi ng tawad kasi dahil sa’kin, sa’min ni Alex... nag-away tuloy kayo ni Ansel. At saka gusto ko rin mag-sorry kasi inabot pa ng ganito katagal bago kita tinawagan at kinumusta.” Mahina niyang sabi.

Nakayuko siya at nilalaro-laro niya iyong kamay niya.

Ngumiti naman ako sa kanya kahit hindi niya nakikita. Masaya ako kasi hindi niya ako iniwan at pinabayaan. Akala ko after nung nangyari hindi na talaga siya tatawag. Isa iyon sa rason kung bakit hindi ako mapalagay. Akala ko nawala na sa’kin lahat. I’m happy to know that I still have him.

“What’s gonna happen now?” I murmured.

He sighed, “Alex, gave me a second chance. Hindi ko alam kung tama ba na hiningi ko ‘yon sa kanya.”

Dahan-dahan ay napalingon ako sa kanya. She gave him a second chance when he asked her for one? Paano ako? Iiwan na lang ba ako basta ni Riu sa ere? Iniwan ako ng asawa ko at hindi ako humingi ng pangalawang pagkakataon dahil siya ang gusto ko makasama. Akala ko ganun din ang nararamdaman niya. Tapos, ngayon sasabihin niya sa’kin ang tungkol sa second chance na ‘yan?

“She told me I should end things between you and I.”

Hindi ako papayag. I let go of my husband for you, Riu. Please, don’t tell me that.

“And you’re here with me because of that?” I asked him.

He leaned forward and brushed his hair. “I don’t want to leave you like that, Priele.”

“But?”

“She’s my wife.”

It was just a whisper, I couldn’t almost hear it. But, it dawned on me like a bomb.

Pinili ko siya kaysa kay Ansel but, he isn’t choosing me. He’s still picking his wife over me. How could he be so unfair?

“You told me you love me, Riu or was it just a lie?” I’m mad now. So mad that I want to shout at him. “Riu...”

“I’m sorry, Priele.”

“No, Riu. You aren’t sorry. Riu, I chose you over my husband. Over my damn husband. Pero, iyon pala hindi ako ang pipiliin mo? I-I thought...”

Exchange Lovers - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon