“There is nothing as painful as being betrayed by the person you love the most.”—Gjake
“How a mistaken love does unfold?”
Riu’s POV
“Riu!”
Lumingon ako sa direksyon na pinagmulan ng boses and saw Priele running after me. Huminto ako mula sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa’kin.
Nagpaalam ako kanina kay Alex kasi kukunin ko sana ‘yong cell phone ko sa loob ng kwarto namin na naiwan.
“Priele?” sabi ko nung makalapit na siya sa’kin.
“You’re avoiding me.” She said it like it wasn’t a question but more of a statement. She crossed her arms across her chest and raised her brow on me.
Mahina akong umiling. “Hindi.”
She laughed sarcastically. “Hindi? Sigurado ka?”
Gusto ko pa sanang magsinungaling sa kanya at sabihing ‘oo’ pero alam kong hindi niya ‘yon papaniwalaan. Kaya sa halip na magsinungaling pa ay hindi na lang ako sumagot.
“See? Tama ako.” She said sadly, “Iniiwasan mo nga ako. But, why? May nagawa ba ako?”
“Wala.”
“Damn that word. Nung tinanong kita kung may problema ba, you said wala but there is! Kasi kung wala hindi mo ko iiwasan.” Kumunot ‘yong noo niya. “Ano ba talaga, Riu?”
“I said wala.” Firmly saying that word I started walking past her.
“Alright! Wala na kung wala.” She yelled at me. “I hate you, Riu. For making me feel this way.” And she started walking away.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko sa kanya. I don’t want to hurt her kaya ako umiiwas sa kanya. Hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko para kay Priele. That’s the reason kung bakit ako umiiwas pero, ayoko naman na nakikita siyang nasasaktan.
Inilang hakbang ko lang siya at saka hinila pabalik. “Sandali.”
“What?” she said without looking at me.
I pulled her closer and leaned on the wall while still holding her hand. Huminga muna akong malalim, “I’m sorry if I’m avoiding you.”
“Tama pala talaga ako. You’re avoiding me. But why?” halatang-halata sa kanya ‘yong pagkalita dahil nakalarawan ‘yon sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Exchange Lovers - Completed
RomanceSynopsis: Alexey Ricaforte marries the man she loves, Rendell Liu Vasquez, her college boyfriend. Gaya ng mga bagong kasal masaya ang naging simula nila, Riu loved her so much he treats her like a princess. Pero, tulad nga din ng ibang mag-asawa hin...