Alexeys’ POV
Inisa-isa kong inayos iyong mga damit na dadalhin ko para sa pagpunta namin ng Batangas ni Sir Vince. Sabi kasi niya dalawang araw kami dun. Nagulat pa nga ako since, I thought we will just be there to attend the said party.
Akala ko naman kung anong date iyong sinasabi niya. Iyon pala I will just be his company sa gabing iyon.
Umupo ako sa ibabaw ng kama. Wala kasi si Riu dito sa kuwarto. Iniiwasan niya nga kasi ako, when I barged in the room, sumibat naman siya palabas. So, I guess he’s in the garden now or maybe in the living room. Well, what do I expect? He couldn’t stand being with me in one place.
After stuffing the pair of slipper and shoes I zipped close the bag. Maliit na carry-on bag lang naman siya. Akala niyo bagahe na? Haha hindi pa ako maglalayas.
“Hooo.” I dropped my back on the bed. Mamayang tanghali pa ako dadaanan ni Sir Vince dito at alas otso pa lang naman ng umaga— He let me took my day off para daw makapagpahinga ako bago kami pumuntang Batangas— so, I still have time to extend my sleep.
Ano na kaya ang ginagawa ng asawa ko sa labas? Hindi ako sanay na hindi siya nakakausap. But, it’s been three days na para kaming hangin sa isa’t isa. At wala akong magagawa. Hinayaan ko na lang siya sa pag-iinarte niya. Dahil pagod na akong makipagtalo sa kanya. I’ll just talk to him kung siya ang mauuna.
“Arrgh!” tumayo ako mula sa pagkakahiga kasi hindi na ako makatulog. Kahit ayaw kong lumabas kasi baka makasalubong ko na naman iyong asawa ko wala akong choice. Don’t want to stay inside the room. Na-su-suffocate ako.
Inabutan ko si Riu sa may living room na may hawak na cell phone at nakahilata sa sofa. Iyong isang paa niya ay nakapatong pa sa arm nung upuan habang iyong isa ay nakatapak sa sahig. I don’t know if naglalaro ba siya ng game sa phone niya o nagtetext. Pangiti-ngiti pa kasi siya.
Ano kayang nakain ng lalaking ‘to at may pangiti-ngiti pa? Tss. Hindi man lang ako nilingon. Makapasok na nga lang ulit sa kwarto. Doon na lang ako manunuod ng T.V.
Hindi naman nangyari ang inisip ko, mas pinili ko na lang pilitin ang sarili ko na umidlip.
Pagkagising ko ay agad kong nilingon si Sir Vince na nagmamaneho. Nakonsensiya tuloy ako na tinulugan ko siya. Hindi kasi talaga ako naidlip kaninang umaga eh. Nagbasa na lang ako ng libro na nabili ko nung nagpunta ako minsan sa mall.
Kaya heto tuloy at tinulugan ko ang boss ko.
“Sir, gusto niyo po ako naman ang mag-drive?” tanong ko sa kanya.
He slightly glanced my direction at ngumiti. “No, it’s okay. Kumusta naman ang tulog mo?”
“Okay lang naman po.” Nakakahiya talaga. Ginawa ko siyang driver.
“Po?” he frowned. “Bata pa ako, Alex. Kaya wag mo kong pino-‘po’.”
“Okay, Sir.” I say.
“Drop the ‘sir’ wala tayo sa opisina at wala tayong ibang kasama,” he says, eyes are still on the road.
I just shrugged. Sabi niya eh. Edi okay.
“May gusto ka bang kainin?” tanong niya kapagkuwan.
Speaking of ‘kainin’ hindi ako nakapag-lunch dahil hindi ako lumabas ng kwarto kanina nung tawagin ako ni Riu para mananghalian. Bigla tuloy tumunog iyong tiyan ko na ikinatawa ni Sir—oops Vince pala.
“Aright. I got that.” He maneuvered the car to a parking lot of a fast food chain.
Bumaba ako agad pagkabukas ni Vincent ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Exchange Lovers - Completed
RomanceSynopsis: Alexey Ricaforte marries the man she loves, Rendell Liu Vasquez, her college boyfriend. Gaya ng mga bagong kasal masaya ang naging simula nila, Riu loved her so much he treats her like a princess. Pero, tulad nga din ng ibang mag-asawa hin...