Claire's POV
“Ms. Devon”
Biglang napaangat ang ulo ko ng tawagin ako ni Gavin, I mean ng prof namin.
“Y-yes sir?”
Shit! Bakit ka ba nauutal claire! Ano may epekto pa rin ang lalaking yan sayo?
Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya nag sasalita.
Yung ibang classmate ko matalim na nakatingin sakin.
Ano naman kaya problema nila?
Kasalanan ko bang tawagin niya ako? Tsk!
“Paki kolekta ng index card at paki dala sa office ko” sabi niya bago lumabas.
Napa buntong hininga nalang ako.
Gusto ko siyang iwasan pero paano? Kung kusang tadhana na ang nag lalapit saamin.
Napalingon ako kay jasmin, busy pa rin ito sa pag susulat.
Masyado kasing ginagandahan ang sulat yan tuloy nahuli.
“Ano nga ulit pangalan mo?” mataray na sabi sakin ng isa naming kaklase.
“Claire”
Maikli kong sabi.
“Binabalaan kita—”
“At babalaan din kita na umalis alis ka sa harapan ko kung ayaw mong man lagas ang buhok mo sige!” mataray na sabi ni jasmin.
Inismiran siya nito bago muling humarap saakin.
“Huwag kang pa-cute kay sir! Kay bago bago mo palang dito, kilalanin mo binabangga mo ha!” sabi niya pa at padabog na inilapag ang Index Card niya.
Hays.
Mag kakaroon na naman ba ako ng kaaway?
Kailan ba tatahimik ang buhay ko? Kaya nga ako nag paka layo layo para ayusin ang sarili ko.
“Tsk! Apektado ka naman sa babaeng yun? Mukha namang garapata!” sabi ni jasmin.
Tinapik ko na lang ito, nilaksan niya kasi yung pag kakasabi noon kaya naman napatingin uli saamin yung babae.
“Jasmin, pweding favor?” sabi ko kay jasmin.
“Ganutan yon? Sige no problem!” sabi niya kaya agad ko itong siniko. “Aray mamsh yung dede ko!” sabi niya inirapan ko nalang ito.
Lawak din ng imagination ng baklang ito e.
“P-pwede bang ikaw na lang mag bigay nito kay sir? Bigla kasi sumakit puson ko” sabi ko.
Please please pumayag ka.
Bigla naman nag liwanag ang mga mata niya na para bang nanalo siya sa lotto.
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020