IKINUWENTO ko kay jasmin lahat lahat at kasalukuyan kaming nandidito sa T- Tea shop, hindi siya makapaniwalang nasabi ko na kay gavin ang totoo. Buti na lang at dalawang araw kaming hindi mag kikita. "Eh ano? Ano yung reaksyon niya? Natuwa ba? Excited? Proud? Ano?" Pangungulit ni jasmin kaya inirapan ko na lang siya."Ewan ko. " maikli kong sabi, napakunot naman ang noo nito.
"Anong ewan mo? Akala ko ba sinabi mo? Edi syempre may reaksyon sya." Sabi nito napabuntong hininga muna ako bago tiningnan siya.
"Pag kasabi ko nun umalis na din agad ako. Ayoko ng makita yung reaksyon niya na disappointed at ayaw kay Cavin."
Nakaramdam ako ng hapdi sa braso ng hampsin ako ni jasmin doon. "Aray! Ang bigat kaya ng kamay mo!" Pag mamaktol ko pero hindi niya ako pinansin pa.
"Paano mo naman nasabi na madi- disappoint siya huh? Malay mo gusto niya pala kay cavin." Sabi naman nito kaya napatahimik ako. Inalala ko yung mga narinig ko sa labas ng office niya yung noong may nag tanong sa kanya kung papaano kapag may lumapit sa kanya na nabuntis niya daw.
"Tsk. Huwag na nga lang natin siyang pag usapan." Sabi ko.
"Bakla ka. Ang laking eksena ang ginawa mo sa school ha! Hindi mo ba alam na kalat na kalat na yung tungkol kay maria." Sabi nito.
"Eh ano ngayon. Wala sakin yun, inaantay ko na nga lang na tawagin ako ng Dean for kick out e" sabi ko, totoo naman hindi biro yung ginawa ko at alam kong malaking kalabagan yun sa rules ng school.
"Bakla, sa tingin mo i-ki-kick out ka? Pano yan san ka mag aaral kung sakali?"
"Malay. Hindi pa naman ako naki-kick out tsaka. Hindi naman ako yung nauna kaya kong i- defend ang sarili ko sa dean." Sabi ko.
"Grabe ka talaga, walang kinatatakutan?"
"Duh! Lahat ng tao merong kinatatakutan noh."
"E ano yung kinatatakutan mo? Si gavin?" Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.
"Gaga. Si cavin ang kinatatakutan ko, siya yung pinag kukunan ko ng lakas at , at the same time siya yung weakness ko." Sabi ko napatango nalang siya.
"CR lang ako bakla." Pag papaalam ko sa kanya ang totoo niyan ay hindi naman ako na iihi.
May nakita kasi akong bulto ng tao sa di kalayuan nakatalikod ito at parang may iniintay tapos may dumating na isa pa at babae ito. Sa tingin ko kilala ko ang dalawang yun kaya sinundan ko sila. Napadpad kami sa fire exit ng mall at nandito lang ako sa labas habang nakikinig sa pinag uusapan nila.
"Ano susuko kana ganon?!" Galit na sabi ng isa na satingin ko ay si nathalie. Hindi ako maaaring mag kamali kilalang kilala ko ang boses niyang yun.
"Ayoko na! Tama na! Wala kanang maipang ba- blackmail sakin dahil naisiwalat na ni Claire ang lahat! Sirang sira na ako sa school!!! Ano pa bang gusto mo!?"
May halong inis at takot ang boses na sinisigurado kong kay Maria ito. Hindi ko alam kung anong sinimulan ng pag uusap nila pero alam ko patungkol ito saakin, saamin.
"HAHAHAHA Nag papatawa ka ba maria? Ikaw ang lumapit saakin. Nananahimik na ako tapos gagambalain mo akong tulungan ka. Ngayong nag eenjoy ako gusto mong itigil ang lahat ng ito? Well, para sabihin ko sayo hindi ka pwedeng kumawala sa kasunduan natin."
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020