At muli, nag walk out ako. Napabusangot ako ng mukha. Sabi ko mag babago na ako pero bakit ganto. Muling tumutubo ang sungay kong matagal ko nang pinutol.
Dahil sa kakaisip ay hindi ko napansin na may kasalubong ako kaya naman nag kabungguan kami. "Hindi kasi tumitingin sa dinadaan e— wait! Claire!?"
Tumunghay ako habang pinapag pagan ang sarili ko, nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala.... teka............ Bakit siya nandito?
--
HINDI parin ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Kumurap ako at nag babaka sakaling hindi totoo ang nakikita ko ngayon.
Totoo nga, nandito siya sa harapan ko.
“C-claire”
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya imbis na kausapin siya ay nilagpasan ko na lang ito na para bang hindi ko siya nakita.
Hinabol niya ako.
“Claire, sandali lang.... Mag usap naman tayo” wala pa rin akong imik at tanging naka tingin lang ako sa kamay niyang naka hawak sa braso ko. “c-claire, please?”
May namuong mga butil ng tubig sa mata niya huminga muna ako ng malalim bago sya tingnan.
“O' sige” yan lang ang nasabi ko at sumakay sa kotse ko. Syempre kasama siya, tahimik lang kami buong byahe.
Hanggang sa makarating kami sa T-Tea, nauna na syang bumaba at sumunod ako.
Pumasok kami at umorder bago humanap ng mauupuan.
Ilang minuto pa ang lumipas at tahimik lang kami. Nag papalagayan kung sino ba ang unang iimik.
Nakaramdam ata siya na naiinip na ako kaya una siyang nag salita.
“K-kamusta ka na?”
Tanong nito, nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang okay ako o sasabihin kong mas gumulo ngayon ang buhay ko.
“Ayos naman kahit papaano” na aalangan kong sabi.
“Bakit? May problema ba? Bakit parang...”
Kilala niya talag ako, taon na ang lumipas pero kilala niya pa rin ako.
Marahan akong umiling at tumawa ng bahagya. “Kapag sinabi kong okay ako, parang niloloko ko lang sarili ko. Kapag naman sinabi kong hindi ako okay, parang nakakaawa naman ako.”
“Okay lang namang hindi maging okay.” sabay ngiti niya.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
Napatingin lang ako doon. Inaamin ko, kahit may sakit at sama ng loob parin akong kinikimkim dahil sa kanya.
Hindi ko maitatago sa sarili kong na miss ko siya.
Na miss ko ang best friend ko.
“C-claire..... A-alam kong kulang ang isang sorry sa nagawa ko sayo noon. A-alam kong nasira kita...... Pero gusto ko lang malaman mo na... Nag sisisi ako.... Sana hindi ko na lang yun ginawa.. Nag sisisi ako, claire. Sana bigyan mo ako ng pag kakataon para maka bawi sayo.”
Hindi ako naka react agad dahil sa umiyak siya sa harapan ko.
I don't know what to do.
Nakita ko na lang ang sarili ko na yakap siya.
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020