Chapter 18

11.1K 274 14
                                    


Claire

Pabalik balik ako habang nakatingin kung saan. Yung mga narinig ko sa mall kahapon ang gumagambala saakin at hindi ako pinatulog kagabi. Isa pa ay si gavin na malapit lang saamin. Nakakapag taka na hindi man lang siyanag punta dito. Eh ano pa nga ba ang aasahan ko? Ayaw naman niya at hindi tanggap na may anak na siya. Tsk. Yun na nga ba ang sinasabi ko napaka walang kwenta niya talagang tao.

Natigil lang ang pag uusisa ko ng biglang dumating si jasmin namay masayang ekspresyon ng mukha. "May nahanap na ako!" Masaya niyang sabi kaya naman napakunot ako ng noo ano bang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. Tila nabasa niya ang nasasaisip ko kaya hinampas niya ako sa braso na mas lalo kong kinakunot ng noo. Ang gaga tumawa pa.

"Hay nako napaka ignorante mo talaga. Don't tell me hindi mo ako pinakikinggan kahapon? Pero nung tinanong naman kita tumango ka lang." sabay irap nito. Nanatili akong tahimik na tila hindi alam ang sinasabi niya kaya naman napabuntong hininga siya bago mas humarap saakin.


"Diba nag sabi ako sayo kahapon na mag hahanap ako ng extra na yaya ni cavin para mag bantay sa kanya? Ayun may nahanap na ako." Sabi niya. "Pumayag ako?!" Tila gulat kong sabi, may yaya na naman si cavin oo alam kong delikado ang buhay niya ngayon dahil sa banta ni nathalie pero alam kong mas maaalagaan at mababantayan siya ng yaya niya na matagalna sa amin. Tsaka siya lang ang pinag kakatiwalaan kong mag bantay kay cavin.

"Hay nako, pumayag ka nga! Ano ba kasing gumugulo sa isip mo? Ano, i-ca-cancel ko na ba? Pero mukhang mabait at matino naman siya. Galing probinsya at kinakailangan ng pera kaya nag apply ng katulong. May nag pakilala saakin sakanya at sabi mapag kakatiwalaan naman daw ito kaya hayun hi-nired ko na."


Napa irap na lang ako I trust jasmin kaya alam kong maayos ang nakuha niya alam ko din kung gaano iyo kapihikan sa tao jusq. Sa arte ng baklang to hindi nako mag tataka kung anong klase ang napili niya. Hindi ko alam kung bakit may pangangamba parin sa dibdib ko na tila may mangyayareng hindi ko gusto. Pero isinantabi ko ito ng makita ang anak kong mapayapang natutulog.

"Oh, eh asan na ang katulong na sinasabi mo?"

Gusto kong makita ang sinasabi niya. "Eh nag sabing mamaya pa daw makakarating at may dadaanan daw siyang gamot para sa nanay niya na may sakit" paliwanag naman ni jasmin.


"Sayang naman at hindi ko ito makikita"


"Bakit? Paalis ka ba?"




"Oo, dadaanan ko yung form dun sa school. Mag pa- pa- picture din ako para sa graduation." May ngiti sa labi ko, hindi ko inaasahang mas napapadali ang pag graduate ko.



Tungkol doon sa nangyare sa amin ni maria ay pinatawag lang ako at si maria. Napag desisyonang patawan ng isang buwang suspensyon si maria samantalang ako ay mag lilinis lamang ng office. Okay na rin yun, buti nga at hindi ako natanggal sa gagraduate.


"Sige na una na ako, paki bantayang mabuti si Cavin" bilin ko sa kanya sabay lapit sa anak ko at hinalikan sa noo. "I love you anak. " banggit ko bago umalis.




--

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at hindi mapakali kanina pa akong patayo tayo at palakad lakad. Tapos na akong picture - an at kukunin ko na lang yung form. Habang iniintay ko yung staff ewan ko at bigla akong kinabahan..



Cavin




Yan lang ang nasasaisip ko ngayon. Lumapit saakin ang isang staff at ibinigay ang form sa wakas nakuha ko na din. Agad akong umalis para umuwi na ng makatanggap ako ng tawag. Tiningnan ko kung sino at si jasmin ito.




A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon