After 2 yearsMalamig na humahampas ang hangin sa balat ni claire habang nakatingin sa langit. Masayang nag mamasid sa kalangitan, kung gaano ito kapayapa at kaganda. Maya maya ay nakaramdam siya ng bagay na ipinatong sa kanyang balikat kaya naman napatingin siya sa naglagay noon. "Ikaw pala" sabi nito at inihilig ang kanyang ulo para sumandal sa balikat ng asawa.
"Ang bilis ng panahon, heto tayo, masaya at..." napatigil siya at tumingin sa kanyang tiyan. "Madadagdagan na" sabi niya at masayang tiningnan ang asawa.
"Mahal na mahal kita claire, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa dulo." Nakangiting saad ni gavin sabay halik sa noo ng asawa. "Malamig na, pumasok na tayo sa loob." Pag aaya nya sa asawa niya.
Makalipas ang dalawang taon mula sa masalimuot na nakaraan ay heto sila. Matatag na humaharap sa mga pag subok. Sa loob ng dalawang taon, hindi puro saya ang naranasan nila. Na akala nila okay na, meron paring lungkot. Pero sa huli, sila parin. Naging matatag sila at hindi nag patinag sa pagsubok.
Kapit kamay silang humarap sa anumang problema. Andun yung selos, duda at away. Lahat ng relasyon sinusubok nito. At desisyon niyong mag partner kung sabay ba kayong haharap sa problema o bibitaw kayo dahil sa takot.
"Mahal? Nag sisi ka ba na nakilala mo ako?" Tanong ni claire sa asawa habang inihahanda nito ang kama para makahiga nh komportable ang asawa.
Ngumiti ang lalaki at lumapit sa asawa. Hinalikn niya ito sa noo. Alam niyang nag dadrama na naman ang asawa niya na kung mali ang maisagot nito ay bigla itong iiyak. Kapag naman sobrang honest niya ay iiyak din.
"Sagotin mo ng ayos ha! Kung hindi hindi kana makakaisa sakin!" Parang batang sabi nito.
"Hahaha baliw! Hindi ako mag sisisi na nakilala kita. Ikaw ang pinaka magandang nangyare sa buhay ko." Sabi ni gavin ng buong puso.
"Alam mo ako nag sisi" nawala ang ngiti ni gavin dahil sa sinabi ng asawa. "Wag ka malungkot! Dipa ako tapos e!" Agad naman syang napailing dahil sa sinabi ng asawa.
"Eh pano ba naman! Alam mo naman nung nag aaral pa ako tapos nalaman kong buntis ako. Akala ko okay lang sayo, na magiging okay tayo. Tapos nalaman ko na kaya ka umalis ay dahil sa ikinas na kayo ni nathalie." Malungkot na sabi nito.
"Kaya napag desisyonan kong umalis at magpaka layo layo. Nung nalaman nina mom at dad , sabi nila ipalaglag ko daw. Hindi nila ako tanggap." Nag simula ng pumatak ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan.
Agad pinahi ni gavin ang luha sa mga mata ni claire at hinalikan ito sa labi. "Shhh tahan na andito naman na ako diba?"
"Pero kasi... akala ko hindi na tayo magiging okay. Akala ko.. akala ko wala na."
"Tahan na, masyado akong gago at alam kong hindi ako deserve para sayo. Pero gagawin kong better ang sarili ko para maging deserve moko"
"Mahal na mahal kita gavin"
"Mas mahal kita, kayong tatlo mahal ko. At kaya kong ipalit ang buhay ko para lang sa kaligtasan niyo."
Mag lalapat na sana ang mga labi nila ng biglang humilab ang tiyan ni claire. Naging aligaga si gavin at hindi niya alam ang gagawin niya. "Jasmin!!!" Sigaw niya.
"A-ahhhhh— manganganak na ata ako! A-aaahhhh!" Halos matanggal na ang buhok ni gavin sa anit niya dahil sa sabunot na ginagawa ni claire.
Ilang sigaw pa ang nangyare bago makarating si jasmin sa kwarto nila kasama si cavin na halatang kakagising pa lanang sa mahimbing na pagkakatulog.
"A-ah tatawag n-na ako n-ng ambulansya!" Sabi ni jasmin ng makitang pumutok na ang panubigan ni claire.
Agad tumawag ng ambulansya si jasmin at pag karaan ng ilang minuto ay dumating na din agad ito. Isinugod sa pinaka malapit na ospital si claire. Agad tinawag ang personal doctor sa kanya na siyang mag papaanak dito.
"Hanggang dito na lamang po kayo. Kami na ang bahala sa asawa niyo." Sabi ng isang nurse kay gavin at isinara na ang pintuan.
Hindi mapakali si gavin , pabalik balik ito sa pag lalakad. "Naliliyo na ako sayo gavin! Mapirmi ka nga lang!" Saway ni jasmin ng hindi na nito nakayanan ang pagkahilo.
"Paano ako kakalma! Unang pag kakataon ko ito, nang ianak niya si cavin ay wala ako sa tabi niya. Ngayon... ngayon eto na. Hayssst!!! Umuwi ka muna at kumuha ng gamit" utos ni gavin kay jasmin.
"Oh sige, isasama ko na itong si cavin pauwi." Sabi ni jasmin at umalis na sila ni cavin.
Ilang oras ang lumipas at hindi pa
Nalabas ang nurse kanina, kinakabahan si gavin. Baka kung napaano ang kanyang mag ina.Ilang minuto pa ang lumipas at may lumabas na sa kwartong iyon. "Ano kamusta? Okay na ba? Naka labas na ba?"
"Sir, okay na po ang misis niyo at si baby girl. Nako! Napaka ganda po ng anak niyo, kamukang kamukha ng asawa niyo."
Masayang sabi ng nurse, hindi nya maikaila ang excitement na makita ang kanyang mag ina.
"Pwede na ba akong pumasok?"
"Nako doon nalang po kayo sa private room mag intay. Lilinisan pa po silang dalawa."
Agad ding umalis ang nurse dahil sa kinakailangan siya ulit sa loob para linisan ang baby. Gaya ng sinabi ng nurse ay doon na siya nag intay sa private room na pinili niya para sa kanyang mag ina. Ilang sandali ay dumating si jasmin dala dala ang mga gamit ng mag ina.
"Tulog na si cavin, pinabantayan ko sa mga katulong wag kang mag alala hindi na ako papalpak ngayon." Sabi ni jasmin.
Tumango lang ang ang lalaki kasabay ng pag lawak ng ngiti ng makita ang pag pasok ng kanyang asawa kasama ang anak niya. Umiiyak ang sanggol kaya naman nilapitan niya ito at nag paalam sa nurse kung pwede niyang kargahin ang bata. Tumango naman ang nurse, ama ito ng baby kaya may karapatan itong kargahin ang bata. Nang kargahin niya ang bata ay iniyugyog niya ito ng marahan na parang hinehele. Maya maya ay tumahan na ito at biglaang ngumiti. Hindi mag kandamayaw sa tuwa ang si gavin at namuo ang butil ng luha sa kanyang mga mata.
"Caddielyn" biglang banggit ni gavin kaya naman napatingin sina claire at jasmin kay gavin.
"Ha?" Nanghihinang banggit ni claire.
"Ang pangalan niya ay caddielyn. Caddielyn Devon Alfonso" sabi ni gavin.
"Ang hirap naman banggitin ano nga uli? Candlelin?" Tanong ni jasmin.
"Caddielyn (ka-di-layn)" sabi ni gavin at ngumiti. Nagtalo talo pa sila sa spelling ng batang kasisilang pa lamang pero sa huli ay nag wagi si gavin.
—
"Papa!!! Si kuya napaka oh! Kinuha anh cellphone ko!"
"Tama na yan! Cavin! Ibalik mo na sa kapatid mo ang cellphone niya, diba ibinila ng bago ng papa mo?" Mahinahong sabi ni claire sa anak.
"Eh mommy! Itong si caddie kasi eh inuutusan e puro cellphone hawak! Nabibingi na!"
"Eh pano naman utos sayo ni dad tapos i uutos mo sakin!"
"He! Ang sabihin mo may crush kana!"
"Kesa sayo hindi crush ng crush mo! Akin na nga yan!"
At patuloy lang sa pag babangayan ang dalawa. Ngayon ay dalaga't binata na ang mga anak nila. "Nakakatuwa silang pag masdan" masayang sabi ni claire kay gavin.
"Sundan na natin si caddielyn?" Pang loloko ni gavin sa asawa. Hinampas lang ni claire ang asawa dahil sa sinabi nito.
Masaya na ang pamilyang alfonso, may dalawang anak at matagumpay na negosyo. Inihahanda na din nila si cavin para maging bagong CEO ng kumpanya niya. Wala na silang mahihiling kung hindi ang lumaki ang mga anak nila ng matiwasay.
End!!
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020