Chapter 15

11K 274 10
                                    

MALAPIT na sa upuan ni Marga si mam ng biglang sumigaw si marga kaya naman napahinto si mam sa paglalakad at napatingin dito. "Marga, why are you shouting!?" Galit na sabi ni mam dahil sa sobrang lakas ng pag sigaw nito.



"Ahm.. Mam, sa tingin ko po kilala ko kung sino ang nag cheat" sabi nito kaya naman napatahimik ang lahat at nag iintay sa susunod niyang sasabihin. Nakaramdam ako na parang hindi maganda ang susunod niyang sasabihin. Kasabay noon ay tumingin siya saakin at ngumisi.




"Sino naman? Alam mo bang mabigat ang kaparusahan dyan kapag mali ang accusations mo."







"I-i think..... Si c-claire po—" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang lumapit sa bag ko si mam at kinalkal ito.









"She's clean. Wala sa kanya ang papers na hinahanap ko. Bakit mo siya pinag bibintangan Ms. Marga? May pruweba ka ba?" sabi ni mam.






"Kahit ulitin pa natin ang test dito mismo, on the spot. Kayang kaya ko yung sagutan. Bakit mo ibinibintang sakin ang gawain mo?" napasinghap sila sakin naman nabaling ang tingin ni mam.






"What do you  mean Ms. Claire?"






"Mam, nakita ko po si margang natakbo papalabas sa Office. Nag mamadali po ito na parang may humahabol sa kanya kaya naman out of curiosity sinundan ko siya na pumasok sa CR. Narinig ko na makakapasa daw siya and nakakita ako ng papel na hawak niya. Hindi man malinaw kung anong nakasulat doon pero sa tingin ko ito yung answer key ng exam. " nakita ko ang pamumutla sa mukha ni marga. Lalo na noong nilapitan ni mam ang bag niya.






" What is the meaning of this marga!? How could you? Hindi ka makakapunta sa star section kung mag chi-cheat kalang din naman. " galit na sabi ni mam ng mailabas ang papel na hinahanap. Napuno ng ingay ang room.









"Grabe, itinuturo pa niya si claire e siya naman pala ang mandaraya." narinig kong sabi ng isang kaklase namin.






"M-mam I can explain —"





"Well, I dont need your explanation... I need your parents!" sabi ni mam pagkatapos ay nag walk out na.



Hindi ko napansin na nakalapit na saakin si marga isang sampal ang dumampi sa pisngi ko.





"KAPAL NG MUKHA MONG IPAGKALUNO AKO. IF I KNOE NILAGAY MO LANG YON SA BAG KO PARA AKO ANG MAPAG BINTANGAN NI MAM!" galit na sabi nito saakin. Hindi pa ako nakakabawi sa pag kakasampal niya ng itulak niya ako kaya naman nasanggi ko ang kaklase namin na nasa likodan ko.






" Marga tama na nga iyan! Huli kana sa akto nag mamaang maangan ka pa" sabi ng kaklase namin buti at wala si jasmin sa room kung hindi patay ito.





"IKAW ANG MAKAPAL ANG MUKHA, ANG KAPAL KAPAL NAHIYA NA ANG PADER SA KAKAPALAN AT KATIGASAN NG MUKHA MO. AKO IPAGKAKALUNO KA? BAKIT ANONG MAPAPALA KO SAYO? AT SAKA CHEATER KA. HINDI MO MATAGGAP? UULIT ULITIN KO PA BA? CHEATER, MANDARAYA, MANLALAMANG!!!"






Halata sa mukha niya na inis siya aambahan ako ng sampal pero nasanggahan ko na iyon.




*PAK*








Siya naman ang sinampal ko halata sa mukha niya ang pagkagulat." Para yan sa pag sampal mo sakin, ang lakas mong umarte na parang ikaw ang biktima. Hayaan mo may CCTV sa bawat parte ng school kung nakakalimutan mo. Malalaman at malalaman ang totoo."



A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon