Chapter 9

11.4K 288 29
                                    

Claire

"Be my girlfriend"

"Be my girlfriend"

"Be my girlfriend"


Paulit - ulit itong tumatakbo sa isip ko. Halos buong magdamag ko itong iniisip. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng epekto nito saakin.

"Aghhsshhh!!!"



Sigaw ko sabay sabunot sa sarili ko. Buti na lang ako nalang ang tao sa room.



Hindi ko namalayan na lunch na pala. Napatingin ako sa tabi ko, nakita ko si bakla na may pagtataka ang mukha.



Tinaasan niya ako ng kilay at biglang lumapit pa siya saakin.


"Anyare sayo?"


Sinamaan ko lang siya ng tingin at busangot na humalumbaba.



"Hay nako.. Baka naman si Prof. Ga-"


Hindi na niya natuloy ang saaabihin niya dahil pinaaakan ko ng ginasumot na papel ang bibig niya.


"Agh! Agh!"

Ubo naman niya, saba hampas saakin.


"Seryoso na.... Paano kapag nagkita na ang landas nila?"

Seryoso niyang sabi, saglit muna akong natigilan.


Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko sakaling magkita na sila.

Hindi pa ako handa.. "Alam kong... Hindi lang dahil kay nathalie kung bakit ka nag pakalayo layo"


Natigilan ako. Ganon ba ako kahalata? Hindi ako umimik. "Hindi ka na namin kinulit noon dahil ayaw namin na masaktan ka. Kaya hinayaan ka namin.. Pero claire, may anak kana. Kailangan mong harapin ang mga problema. Hindi naman habang buhay ay maitatago mo ang sikreto mo."

Hindi ko napansin na umalis na ito sa tabi ko. Pinag isipan kong mabuti ang sinabi niya. Tama naman siya e. Hindi lang tungkol kay nathalie kung bakit ako nag pakalayo layo.


Inisip ko yung mga nangyare.. Hindi ako makapaniwala na heto ako at nakakayanang tumayo aa araw araw. Masyado na akong wasak.. Pero ipinapakita ko parin sa iba na matatag ako.

Ano pa nga bang masakit sa mga naranasan ko? Ang traydorin ng nag iisa kong kaibigan. Ang kasuklama ng mga magulang ko, ang malamang ikakasal na ang taong mahal ko.

Isa pa- "Hoy!"

Nag balik ako sa reyalidad ng nakita ko si marga at ang alipores niya.


Ano na naman bang kailangan ng higad na 'to?

"Ang galing mo din e ano?" Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.



A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon