ClaireMabilis na natapos ang activity namin. Lumabas na ako ng room at balak pumunta sa library. Nakita ng mata ko si maria na nag mamadaling nag lalakad. Nag karoon ng katanungan sa buong katawan ko at nakita ko nalang ang sarili kong sinusundan siya.
Pumunta ito sa likod ng building at para bang may hinihintay na dumating. Nagtago lang ako sa may gilid.
"Sino bang inaantay mo?"
Lumipas ang ilang minuto ay nainip na ako. Balak ko na sanang lumabas sa kinatatayuan ko ng biglang may dumating. Nakatalikod ito at balot na balot ang buong mukha kaya naman hindi ko maaninag kung sino ito.
"May balita ka na ba?"
Napakunot ako ng marinig ang boses na iyon. Kilala ko kung kaninong boses iyon. Pero hindi ko maalala.. Narinig ko na ang boses na yun sinisigurado ko.
"W-wala pa"
Naguguluhan ako.. Bakit parang takot na takot si maria sa kausap niya. Nanginginig pa ito at hindi makatingin sa kausap niya. Hindi din niya masabi ng maayos ang gusto niyang sabihin.
*PAK*
Isang sampal ang naging hudyat ng katahimikan. Hindi ko alam kung bakit hindi nalaban si maria. Kilala ko siya, hindi siya papayag na hindi makaganti. Pero bakit?? Bakit hindi ka nalaban?
"Walang kwenta! Akala ko ba gusto mo 'to bakit ngayon parang naduduwag ka!?"
Sigaw ng babae, hindi ko alam ang pinag uusapan nila. Ano bang ginusto ang tinutukoy ng babae kay maria.
"O-oo nung una..... Akala ko kasi.... Pero hindi ko pala kaya, nung nakita ko uli siya... Bigla akong nakonsensya."
Tumawa ng malakas yung kausap niya. "May konsensya ka pala maria? Sa palagay mo kapag nalaman niya ang ginawa mo noon.. Sa tingin mo ba mapapatawad ka pa niya?"
"Nag kamali na ako noon.. Pero ayoko ng ulitin ang pagkakamali kong 'yon"
"Nakakatawa ka, at the same time nakakaawa. Lumapit ka sakin para mag higanti kay claire hindi ba? Tapos ngayon.. Aatras ka?"
"Hindi sa ganon...."
"Gagawin mo ba o hindi?"
"Gagawin ko...... Nathalie"
At doon para akong nabingi... Hanggang ngayon, mag kakuntsaba parin sila. Hindi ko alam kung papaano ako nakaalis sa lugar na iyon. Nakita ko nalang ang sarili ko sa C.R
"Alam mo ba yung bali balita sa campus?"
Narinig kong sabi nung kakapasok pa lang na mga estudyante. Hindi ko na balak pang mag tagal, papaalis na sana ako ng matigilan ako sa sunod nilang sinabi.
"Yung prof daw may karelasyon dito!"
"Ano namang masama e lalaki siya.. Tsaka may isip na siya, matanda at naaayon na yun sa edad niya"
Natigilan ako. Sino naman kay ang tinutukoy nila.
"Tanga! Yung karelasyon ng prof ay estudyante."
"Huh!? Sinong prof yan? Tsaka sino yung estudyanteng karelasyon niya?"
"Prof. Gavrin? Gavriel? Ah. Teka.... Ayun tama.. Si prof Gavin. Tapos yung karelasyon niya ay si...."
Parang tanga akong nag iintay ng sasabihin niya. Liningon ko sila, busy sila sa pag uusap kaya siguro hindi nila ako napansin.
"Yung bago daw transferee. Yung maria ba yun? Nako nakita daw sila na nag hahalikan. Tsk! "
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sa mga nalaman ko ngayon, nakakapagod. Paano niya nagwa yon? Tsaka ano pa bang itinatago niya?
Lumabas na ako, sakto naman na nakasalubong ko si Maria. Tinitigan ko lang siya, hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Ilang sandali lang ay nag iwas na din ako ng mata at nag simula na akong mag lakad.
"Claire.. Sandali.." Tawag niya saakin. Nilingon ko siya. Lumapit naman ito saakin at kinawit ang kamay niya sa braso ko. Tiningnan ko iyon.
Nakakadiri.. Huwag mo nga akong hawakan.
Gusto ko yang sabihin sa kanya. Kunwareng aayusin ko ang buhok ko kaya naman napabitaw siya sa kamay ko.
"Bakit?"
"Uhm.... Pwese bang pumunta sa inyo? Saan ba kayo nakatira?"
Napangisi ako. So balak niyang alamin kung saan ako nakatira, para ano.. Para ipaalam kay nathalie?
"Pasensya na, nag mamadali ako." Sabi ko at tinalikuran na siya.
Hinding hindi mo maisasagawa ang plano mo. Maling pinag katiwalaan uli kita. Kung gusto nilang makipag laro... Makikipag laro ako sa kanila.
"Jasmin, mag usap tayo"
Pagkasabi ko non. Agad siyang sumunod saakin sa parking lot. Agad akong pumasok at sumunod naman siya.
"Kailangan ba talagang sa loob ng kotse tayo mag usap?" Sabi nito.
"Oo kailangan. May mga matang nakamasid saatin, may tenga din na nakikinig kaya ito lang ang alam kong paraan para hindi nila tayo marinig."
Tumango nalang siya at hinayaan akong magsalita. Nakita kong sumeryoso na siya ng mukha, sa dami ng taong nakapaligid saakin. Si jasmin lang ang alam kong mapag kakatiwalaan ko. Kaya pala ganoon nalang ang nararamdaman ko ng makita kong muli si maria. Hindi parin siya nag babago.. Hindi na siya mag babago. Ang sinungaling ay sinungaling at mananatiling sinungaling.
Ikinuwento ko na kay jasmin lahat, walang labis malang kulang. Sinabi ko sa kanya yung nangyare saakin dati na hinding hindi ko makakalimutan at mas lalong hindi ko mapapatawad ang may pakana noon.
"Alam mo ba kung sinong may kagagawan noon?"
Umiling ako ng marahan.. "Sabi ng ospital may nag bura daw ng ccttv sa labas at loob ng room ko. Kaya hindi nila nakita kung sino ang pumasok sa kwarto ko ng mga oras na yun."
"Anong gagawin mo kapag nakaharap mo na siya? Yung may kagagawan noon?"
"Hindi ko alam... Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.. Pero sana.. Sana hindi siya yon.. Sana mali ang hinala ko"
"Sino?"
Umiling nalang ako ng marahan. "Saka ko nalang sasabihin sayo kapag.. Kapag tama ang hinala ko."
--
Short update..
Anong masasabi niyo kay maria? At oppsss buhay pa pala si nathalie. Ano kayang gulo ang dala nila sa buhay ni claire?
Vote and comment!!!
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020