Chapter 12

10.7K 259 25
                                    


Hindi parin makapaniwala si Andrew sa sinabi ko. Wala akong magawa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niyang paniwalaan basta sinabi ko yung alam kong totoo. Sinabi ko din sa kanya na kung maaari saamin lang dalawa yun dahil may inaalam pa ako. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa. Nag paalam na ako para pumunta sa office ni Gavin dahil may ibibigay akong test papers sa kanya.


Napadaan ako sa stock room, napansin kong may pinag kakaguluhan sila doon. Pero hindi ko nalanh ito pinansin. Hayan na naman sila sa pang bu-bully nila. Hindi na ba sila nag tanda?


Nasa tapat na ako ng office, huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok.


"C-claire"

Sabay nilang sabi, halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko alam kung papaano ako ma rereact kung magugulat ba, maiinis o iiyak.


Nakita ko lang naman si maria at gavin na mag kahalikan. So totoo nga ang bali-balita at chismis. Napaismir na lang ako at deretsong pumunta sa table niya. "Eto na po yung test paper." Sinadya ba nilang ipakita saakin ang kalandian nila? Nakatingin lang sila sakin.


Agad naman ako lumabas, hindi ko alam kung bakit may kirot parin sa dibdib ko. Kung bakit apektado pa rin ako sa kanya. Dapat magalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya saakin pero bakit ganto..... Sinisigaw ng puso kong mahal ko parin siya.



"Claire—" Nilingon ko si Maria na ngayon ay nasalikuran ko. Kanina nung nakita ko sila nakita ko ang pag guhit ng ngisi sa labi niya. Sinadya niyang hindi naka lock ang pintuan.



Sinadya nya ang lahat. Nginitian ko siya, plasikan ba ang gusto niya? Edi ibibigay ko sa kanya.


"Bakit?" Maikli kong sabi. Nakita sa mukha niya ang gulat at inis. Nagular siya dahil pinakita kong hindi ako apektado at inis dahil hindi naging successful ang ginawa niya.


"Uhm yung nakita mo—"



Hindi ko na sya pinatapos pa. "Ano ka ba, wala lang yun." Sabi ko. Hindi maipinta ang mukha niya.


"Alam ko naman na affected ka parin kaya—"



"Ay ganon? Alam mo kasi iba yung affected sa nandidiri." Tinaliman ko siya ng tingin. "Umayos ka, baka gusto mong isiwalat sa buong campus ang sikreto mo" Pananakot niya saakin.


Tumawa ako ng malakas. "Hindi ako natatakot, eh ano ngayon? Hindi non mababago na una niya akong minahal. Tsaka.. Mas malala pa nga yung sikreto mo. I wonder... How did the hell na naging kaibigan kita, ang dumi mo. Ang dumi dumi.."


Namutla siya sa sinabi ko. Maling kinalaban niya ako. Alam niya sa sarili niya yon. Maling mali, ako pa ang kinalaban niya? Akong alam ang sikreto niya. "Kaya kung ako sayo, sabihin mo diyan sa kakuntsaba mo na tigilan ako." Sabi ko, aalis na sana ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Gavin.



"Anong... Sikreto?" Sabi niya tiningnan ko si maria. Bigla nama itong nag walk out. Tskk



Aalis na sana ako ng hilahin niya ako papasok sa kanyang office. Nilock niya iyon at ini upo ako sa couch niya. Tiningnan niya ako sa mata, nakipag titigan naman ako sa kanya.



"Sabihin mo saakin ang lahat lahat" Sabi niya, dahil doon napatawa naman ako sa sinabi niya.



"Bakit ka natawa!? Im Fckng serious here claire" Sabi niya, tiningnan ko siya.


"Wala naman akong sasabihin e. Ano bang gusto mong sabihin ko?"


"Murahin moko. Saktan mo ako. Dahil sa nakita mo kanina, bakit ba ganyan ka" Yung iritado niyang mukha ngayon ay lumambot na.




"Bakit ko naman gagawin yun? Wala namang tayo diba?" Sabi ko.




"Oo walang tayo, pero ramdam kong mahal mo parin ako. Bumalik kana sakin"



"Matapos lahat ng pinag daanan ko? Bakit ko babalikan ang taong sumira saakin? Bakit ko babalikan yung lalaking nag iwan saakin ng sugat na kelan man hinding hindi na hihilom."




"Im sorry. Kung wala ako sa tabi mo. Sorry kung mas pinili kong.... Mas pinili kong magalit sayo kesa puntahan ka nung kinakalangan mo ako."




Sa sinabi niyang yun ay nag balik lahat saakin. Yung mga nagyare.. Tandag tanda ko pa noon, mag papacheck up ako noon ng biglang may naka pang suot ng nurse ang lumapit saakin. May itinurok ito saakin dahilan para sumakit ang tyan ko. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Buti nalang at may dumating na doctor at naagapan ang lasong itinurok saakin.



May nakakita sa nurse na tumurok saakin ng lason. At nitong nakaraang araw ko lang nalaman kung sino iyon. Si Maria. Nag panggap syang nurse, balak niyang patayin ang nasa sinapupunan ko.



"Hindi na tayo makakabalik sa dati."



"Alam kong hindi na, kaya gumawa nalang tayo ng panibagong memories. "

Agad ko siyang sinampal. Humagulgol na din ako. Niyakap niya lang ako, patuloy kong hinahampas ang dibdib niya.




"Hindi mo alam kung anong hirap ang napag daanan ko. Tapos sasabihin mo sakin na bumalik sayo?"





"Claire.. Give me One more chance, para ipakita sayong handa na ako ngayon na talikuran ang propesyon ko para sayo."



Umiling ako at tinulak siya. Tumayo na din ako at inayos ang sarili ko. "Ayoko na." Yun lang sabay alis.




Tumakbo ako hanggang sa may nabunggo ako at nawalan ng malay.


---



Hello everyone! Pasensya na kung medjo maikli. Babawi nalang sa mga susunod na update.

Sinong may twitter dito? Follow niyo naman ako hihi.
( @maranankimmy ) thank you!!!


Kamusta naman ang chapter na ito?

Mag kakaayos pa ba sila Claire at gavin? Next chapter ay tungkol muna kay Cavin.


Vote and Comment!!

A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon