Gavin's PovNatigil ang pag laban ko sa mga lalaki ng makita kong hawak sina claire at cavin ni nathalie at ng alalay nito. Kaya naman sinalo ko lahat ng suntok at tadyak ng ibang bantay. Halos hindi na ako makalaban dahil sa ngising naka lagay sa mukha ni nathalie. Demonyo. Ngiti ng demonyo ang nakikita ko.
"Oh, bakit hindi kana nalaban gavin?" Tanong nito saka tiningnan ni cavin na ngayon ay naiyak.
"Nagugustuhan mo ba ang palabas my dear?" Tanong nito kay cavin at sinabunutan.
"Tangina! Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Galit na sabi ko, tumawa lang ng malademonyo si nathalie.
"Hindi ko alam na sila ang magiging kahinaan mo gavin. Kung nalaman ko lang agad edi sana matagal ko ng nagawa ito sayo." Sabi niya bumaling naman ang tingin nito kay claire na ngayon ay walang malay at may dugo sa ulo.
Hindi.
"Anong ginawa mo sa kanya!? Papatayin kita!!!!"
Aakmang lalapitan ko siya pero agad din naman akong naharang ng kanyang alalay. Tiningnan ko si claire kung nahinga pa at gumaan lang ang dibdib ko ng makitang humihinga pa ito. Tinaliman ko ng tingin si nathalie.
"Chill. Buhay pa naman siya." Sabi nito.
"Ano ba talaga ang gusto mo!?" sabi ko, sinenyasan niya yung alalay niya para dalhin sina cavin at claire sa likod ng bahay. "Anong gagawin mo sa kanila!!??" nag wawala na ako sa harapan nila kaya naman pinag tulungan ako ng ibang alalay niya hanggang sa mang hina ako at mapa luhod.
Maya maya kinaladkad nila ako papunta sa likod ngayon may namumuo ng kalalabasan sa utak ko. Inihagis ako sa lapag kaya naman napasubsub ako, tri-ny kong puntahan sina claire pero masyado ng bugbog ang aking katawan. Hindi ko kakayanin kung isa sa kanila ang mawala sakin.
"Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay ang pag kakataong ito. Hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas ko ng dahil sa kagagawan ng AMA mo!! Kung hindi dahil sa kanya maayos sana ang buhay namin. Sana hindi nagkahiwalay sina mama at sana hindi nag karoon ng kabit si papa!!" galit na sabi nito, hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.
"Kung may kasalanan man ang tatay ko, please lang huwag mo na silang idamay. Please ako nalang...." Pag susumamo ko, habang tinitingnan ang mag ina ko ngayon mas pipiliin kong ako nalang kesa sila.
Ang dami kong pag kukulang kay cavin at claire tapos ganto pa ang mangyayare samin, hindi ko gusto itong nangyayare samin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, ginamit ko din naman si nathalie at ni hindi ko napansin na may lihim pala siyang galit saakin..
"Nakakatawa kayo, ipagpapalit mo ang buhay mo para dito? sa dalawang ito?"
"OO!!dahil mahal ko sila. MAHAL NA MAHAL!" sabi ko agad nawala ang ngiti salabi niya at napalitan ito ng lungkot. Maya maya nakita ko nalang na may tumutulo na luha sa pisngi niya. Agad din naman niya itong pinahi.
"Mahal? anong alam mo sa salitang mahal?"
May lungkot sa mga mata niya ng sinabi niya yun.
"Huwag mong gawin ito, para lang sa maliit na bagay."
"Maliit na bagay!? MALIIT NA BAGAY BA ANG PAMILYA KO PARA SAYO!? SINIRA MO ANG PAMILYA KO, KAYA NAMAN SISIRAIN KO ANG SAYO... KAYA NGAYON MAMILI KA SA DALAWA. SINO ANG GUSTO MONG ILIGTAS SA KANILA?!!"
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020