Epilogue

12.8K 284 28
                                    


Third Person's POV

"Claire! Claire! Claire!" Tawag ng batang lalaki sa batang babae na nasa saloob ng bahay nila.

"Bakit ba ang ingay mo vin! Natutulog si manang baka pagalitan niya ako pag nahuli niyang tatakas na naman ako sa bahay!" Suway ng batang babae sa kalaro niya.

Marahan siyang lumabas para makita ang batang tumatawag sa kanya. Bigla na lamang siyang hinila papunta sa malapit na palaruan.

"Wow! Bagong gawa na!" Masayang sabi ng batang babae habang papunta sa bagong slide.

"Dahan dahan baka masugtan ka!" Suway ng batang si vin, masyadong matarik ang slide isang maling hakbang niya ay maaaring mahulog siya.

Hindi pa man nakakarating sa slide ay napatid si claire sa naka ultaw na bato agad itong umiyak dahil sa sakit.

"Ayan! Sinasabi ko na ngaba!" Agd lumapit si vin sa kalaro at inalalayan na umupo sa malapit na bench.

"Aray vin, ang sakit ng sugat ko!" Sabi ng batang si claire habang tinitingnan kung papaano hipan ni vin ang kanyang sugat.

7 years old pa lamang ang batang babae samantalang 11 years old na ang batang lalaki. Kahit ganoon hindi naging hadlang ang edad nila sa paglalaro nila. Kahit minsan ay na aaduwa na si vin dahil sa puro pambabaeng laro ang gusto ni claire.

"Gavin! Tara na, paalis na tayo. Ikaw nalang ang kulang!" Sigaw ng taga alaga ni gavin. Nagtataka naman siyang tiningnan ni claire.

"Ano yun? Bakit tinatawag ka na agad? Pasaan kayo?" Madaming tanong ng batang babae.

"Pangako babalikan kita claire." Makahulugang sabi ng batang si gavin. Kahit bata pa si claire agad niyang naintindihan kung anong ibig sabihin ng kanyang kalaro.

"Sabi mo hindi mo ako iiwan! Sabi mo dito ka lang sa tabi ko! Sabi mo tayo lang! Iiwanan mo din pala ako! Nangako ngako ka pa, hindi mo din naman pala tutuparin!" Pag kasabing ganon ng bata ay agad itong umiyak.

Hindi maintindihan ng batang si gavin kung papaano niya patatahanin ang kanyang ibig. Oo, ibig. Kahit bata pa lamang siya ay nararamdaman niyang ito na ang para sa kanya.

Hinubad ng batang lalaki ang kanyang sing sing na pinasadya niya pa. Isinuot niya ito sa batang babae, medyo maluwag ito sa kanya.

"Ano ito?" Pasinghap singhap pa ang batang babae habang nakatingin sa singsing na isinuot sa kanya ni gavin.

"Ayan ang pala tandaan na babalikan kita. Babalik ako sayo pangako. Kinakailangan naming umalis, sa manila na ang lugar ng pag tatrabahuhan ni dad. Napag desisyonan ni na mama na doon nalang kami mamalagi. Patawad claire, pangako hahanapin kita." Hindi na nakapag salita pa si claire dahil hinila na si gavin ng yaya nito.

"PANGAKO HAHANAPIN KITA! HUWAG MONG IWAWALA YAN HA! HAHANAPIN KITA!" yan ang huling sinabi sa kanya ng batang lalake.

Nalungkot si claire, lumipas ang araw, linggo at buwan. Naging matamlay ang batang babae. Paano ba naman nawala sa kanya ang kaisa isa niyang naging kaibign. Busy ang nanay at tatay hiya sa negosyo. Tanging mga katulong na lamang ang palagi niyang kasabay sa twing kakain ng umagahan, tanghalian at hapunan. Si gavin lang din ang kaisa isa niyang kaibigan at kalaro.

"Kain na, claire" matalim na sabi sa kanya ng kanyang ama dahil sa hindi pa nito ginagalaw ang kanyang pag kain.

Ito ang unang pag kakataon na isinama siya ng kanyang ama sa trabaho nito. Ngunit nababagtas sa mukha ng ama niyang isang pag kakamali ang isinama siya doon.

Walang nagawa ang bata kung hindi ang kainin ang nakahandang pagkain.

"Kapit ka anak!" Sigaw na sabi ng ama niya. Walang tanong tanong na kumapit ng mahigpit ang batang babae.

Bigla na lamang nag karoon ng malakas na pag salpok at ang tangi niyang naalala ay ang tunog ng ambulansya.

Pag mulat ng mga mata ng batang babae ay wala na itong maalala. Matagal bago ito naka recover, tanging ang nakapaligid na lamang sa kanya ang kanyang naalala at tuluyang nakalimutan ang batang si gavin.

Nakarating kay gavin ang balita, kahit gustohin niyang puntahan ang bata ay hindi niya ito magawa dahil sa malayo ang probinsya ng mga ito sa manila at tiyak hindi din siya papayagan ng kanyang ama sakaling mag paalam na babalik sa dating bayan.

Tanging pag dadasal lamang ang nagawa ng batang si gavin para sa kaayusan at kaligtasan ng kanyang iniibig.

Taon ang lumipas at nagpakahusay siya sa eskwela samut saring parangal ang nakuha niya. Dahil iyon kay claire, lahat ng naaabot niya ay para kay claire. Para sa kanyang ibig.

Ilang taon ang lumipas at nag krus ang landas nila. Nakakalungkot mang isiping hindi na siya naaalala ng babae ay masaya parin itong nakitang nasa maayos itong kalagayan.

"Mommy!!" Napabalikwas naman ng tayo si claire dahil sa sigaw ng anak agad itong tumingin sa anak.

"Oh, anak bakit ka nasigaw?"

"Mommy, natatapon na po yung juice!" Sabi nito at agad tiningnan ni claire ang hawak na pitsel. Tama ang kanyang anak, umaawas na ang juice sa baso.

"Nako pasensya na anak, may inaalla lang si mommy."

Ngumiti lang sa kanya ang anak atsaka umalis. Niligpit narin niya ang natapong juice.

"Masyadong malalim ata ang iniisip ng asawa ko ah" sabi ni gavin pagkaraan ay niyakap siya patalikod.

"Naisip ko lang, nagkakilala na ba tayo noon?"

Tila natigilan ang lalaki sa tanong ng mahal niya. 'Naalala niya na kaya ako?' Yan ang katagang tumatakbo sa isipan ng lalaki.

"Kasi parang pamilyar ang mukha mo."

Wala namang rason para mag sinungaling sa tanong ng mahal niya. Kaya buong puso niyang ikinuwento ang lahat. Walang labis walang kulang. Seryoso lang na nakikinig ang babae sa kanya na halatang interesadong interesado ito.

"I-ikaw si vin?"

"Oo, ako nga. Masaya ako na naaalala mo na ako. Akala ko hindi mo na ako maaalala."

"Hindi malinaw pero ramdam kong kilala kita. Hindi man bumalik sa akin ang alaala ko masaya naman akong gumagawa ng panibagong alaala kasama ka. Salamat at hinanap mo ako."

"Ang cheesy ha!" Napatawa sila dahil sa sinabi ng anak nila sa kanila habang naka pamewang pa.

"Kanino mo natutunan ang salitang yan?" Tanong ni gavin sa anak.

Humagikhik ang bata at sabay takbo kay jasmin. "Kay tita jasmin po" napailing nalang ang dalawa dahil sa inasal ng bata.

Ngayon masaya na silang magkasama, gumagawa ng mga masasayang alaala. Buo at matatag.

Sa buhay may mga bagay tayong pag dadaanan bago nagin makamtam ang saya.

Sa buhay at sa paglipas ng panahon ay malalaman mo kung sino ang totoo at maiiwan sa tabi mo kapag nasa sitwasyon kana kung saan ang tanging paraan ay pag suko.

May mang iiwan sayo, may mananakit pero sa kabila nito ay may blessing at may bagong darating.

Life is full of challenges and surprises , but the biggest one of all is learning what it takes to handle them.

•••
The End
•••

A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon