Chapter 3

13K 337 69
                                    


WALA na akong nagawa kung hindi ang i-kwento sa kanya ang nakaraan ko kasama si Gavin, pero hindi ko na isinama yung SPG part namin. Sinabi ko sa kanya kung bakit ko piniling mag pakalayo layo at hindi sabihin sa kaniya ang tungkol kay Cavin.




"Grabe naman pala yang si Sir! Kalurkey, kaya namam pala ganon kayong dalawa. Parang awkward palagi." sabi ni jasmin, kasalukuyan kaming nasa school garden.



Ilang araw na niya akong kinukulit tungkol kina gavin at cavin at ngayon lang ako na karoon ng lakas para sabihin iyon sa kanya. Sa totoo lang, hindi ako komportableng ikwento yung nakaraan namin. Pero no choice na ako, dahil sigurado  naman akong hindi ako titigilan ng baklang ito.



"Ay bakla, punta lang ako sa court. Sama ka?" tanong nito, vacant kami ngayon kaya may ilang oras pa kami para gumala gala.




Umiling na lang ako, alam ko naman kung bakit pupunta siya dun e. Dahil may praktis yung mga kaklase namin. Next week na kasi ang intramurals at kailangan na nilang maghanda dahil lalaban sila sa ibang sections.



"Ikaw nalang" sabi ko, tumango lang ito tapos naipag beso beso saakin. Pagkaraan ay umalis na din ito.




"Yun ba ang dahilan kung bakit ka umiyak nung nakita kita dito?" nagulat ako dahil may biglang may nag salita sa may likuran ko. Kaya naman napalingon ako, nakita ko yung lalaking natutulog sa puno.



Oo nga pala yung panyo niya, hindi ko pa na sasauli. Kinuha ko ito sa bag ko. "Ito nga pala yung panyo mo, pasensya na at ngayon ko lang naisauli." sabi ko at hindi sinasagot ang tanong niya.



Tinitigan muna niya yung panyo tapos kinuha na rin niya iyon. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." sabi nito, hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sagutin yung tanong niya oh ano.




"Wala yun , hayaan mo na lang ako" kinuha ko na ang bag ko at tumayo na pero bago pa ako makaalis ay hinarangan na niya ako.




"Sabihin mo... Yung cavin........ Anak ba yun ni Gavin!?"



Hindi ko alam kung bakit ba apektado siya. Alam kong nag open up ako sa kanya pero hindi naman dapat ganito. Hinarap ko siya, hindi ko alam kung bakit may galit sa mga mata niya.




"Ano bang pakialam mo? Pwede ba, dadaan ako!" inis na sabi ko. Nilampasan ko siya pero agad din niya akong hinila papalapit sa kanya.




Nag aalpas ako sa kanya kaya naman tinulak niya ako sa pader at kinorner. "A-ano b-ba! Bitawan mo nga ako. Hindi mo naman kailangan pang makisali!"


A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon